TV

WATCH: 'Victor Magtanggol,' ipinamigay na ang mjolnir

Sa October 11 episode ng Victor Magtanggol, isusuko na ni Victor (Alden Richards) ang mjolnir kay Modi (Pancho Magno) kahit labag ito sa kagustuhan ni Sif (Andrea Torres).

Sigurado kasi siyang natapos na niya ang kanyang tungkulin matapos magapi si Loki (John Estrada).

Magpapaalam na rin siya sa bayan ng San Juan sa gitna ng pagtutol ng mga mamamayan nito.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.