TV

WATCH: 'Victor Magtanggol,' magpapaka bayani kahit walang kapangyarihan

By Marah Ruiz

Sa October 22 episode ng Victor Magtanggol, makakatakas ang ilang mga babae na bihag ni Modi (Pancho Magno) sa tulong ni Victor (Alden Richards).

Hihingi naman ng tulong si Sif (Andrea Torres) kay Gunnlod (Janice Hung) para muling makapasok sa bayan ng San Juan.

Samantala, maibabalik na rin kay Victor ang mga gwantes na magbibigay sa kanyang ng kapangyarihang maging si Hammerman muli.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.