TV

EXCLUSIVE: Chariz Solomon, bilib sa dedikasyon sa trabaho ni Alden Richards sa 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar

Hanga ang Bubble Gang star na si Chariz Solomon sa ibinibigay na effort ng Pambansang Bae Alden Richards para sa primetime series nito na Victor Magtanggol. Ibinahagi ito ng aktres nang makapanayam ng GMANetwork.com ngayong Lunes, October 15.

Naging guest star si Chariz sa patok na Kapuso soap bilang asawa ng PBA legend na si Benjie Paras na gumaganap bilang si Erwin.

Nakaka-inspire daw ang kasipagan ni Alden na hindi makikitaan ng pagod kahit puyat sa trabaho.

Kuwento ni Chariz, “Hindi naman siya nagbago parang hindi mo alam na doon siya sa mataas na mataas parang wala lang, ang lambing pa rin at saka maalaga.

“Masarap katrabaho kahit puyat na puyat siya wala siyang tulog, hindi mo naman ma-feel na ganun. Hindi mo makitaan ng tantrums.”

Dagdag pa ni Chariz na malaking bagay na natuto si Alden sa mga role model niya na mga veteran celebrities kaya magaling makisama sa lahat ng mga tao.

“Siguro alam mo kasi dahil ang dami niyang naka-work na seniors, nakikita niya mayroon siyang magagandang role models.”


Huwag bibitaw sa adventure ni Hammerman at ang makapangyarihan na Mjolnir sa Victor Magtanggol, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.