TV

WATCH: Bayan ni 'Victor Magtanggol,' pinalibutan ng kakaibang bagyo

Sa October 18 episode ng Victor Magtanggol, babalutin ni Modi (Pancho Magno) ng kakaibang bagyo ang bayan ng San Juan.

Paghuhukayin niya ng Asgardum ang mga lalaki, habang gagawin niyang libangan ang mga babae.

Samantala, naghahanap si Victor (Alden Richards) ng paraan para tumakas at bumalik sa kanyang pamilya.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.