TV

WATCH: Magbabagong anyo si Lynette sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Sa November 13 episode ng Victor Magtanggol, ipapakita ng mga Magtanggol ang suporta nila kay Victor (Alden Richards) matapos niyang isuko ang mjolnir.

Magpapaalam na rin ang pamilya kay Lynette (Chynna Ortaleza) at iba pang biktima ng pag-atake ng mga Jotun.

Ang hindi nila alam, buhay pa ito at gagamitin siya ni Loki (John Estrada) para buhayin ang kanyang anak na si Hel.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.