TV

WATCH: Pag-aagawan nina Lynette at Hel ang isang katawan sa 'Victor Magtanggol'

Sa November 15 episode ng Victor Magtanggol, susugod sina Victor (Alden Richards) sa kuta nina Loki (John Estrada).

Pansamantalang malalabanan ni Lynette (Chynna Ortaleza) si Hel at makakausap niya ang kanyang pamilya.

Tuloy naman ang paghahanap ng grupo para sa mga gwantes ni Hammerman.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.