GMA Logo Mark Reyes
Source: direkmark/IG
What's on TV

Direk Mark Reyes thanks 'Voltes V: Legacy' team for the 'epic ride'

By Kristian Eric Javier
Published August 20, 2023 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
PNP probing PH visit of Bondi Beach shooters
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Reyes


Malaki ang pasasalamat ni Direk Mark Reyes sa buong cast at production team ng 'Voltes V: Legacy'

“This is truly our one last epic ride.”

Sa ganitong paraan sinimulan ni Voltes V: Legacy director Mark Reyes ang kaniyang mensahe para sa team na bumubuo sa cast at production ng nasabing serye.

Sa Instagram, ibinahagi ni Direk Mark ang isang litrato ng ilan sa mga cast at production team ng Voltes V.

“Thank you @voltesvlegacy family. Our work may have finally ended. But our legacy is just beginning,” caption ni Direk Mark sa kanyang post.

Dito pinasalamatan ni Direk Mark ang mga aktor at mga aktres ng serye na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano Raphael Landicho, Martin del Rosario, Liezel Lopez, at iba pang cast.

Binanggit din niya ang ilang miyembro ng production team sa kanyang post.

BALIKAN ANG NAGING REAKSYON NG MGA KAPUSO STARS SA CINEMATIC VERSION NG VOLTES V: LEGACY:

Sa naunang post ni Direk Mark noong April, ipinaalam niyang natapos ang kabuuan ng taping ng serye noong April 1 na tumagal ng halos dalawang taon.

At ayon sa lead nitong si Miguel ay nag-grow ito “acting-wise” sa direksyon ni Direk Mark.

“Mas naging responsible ako lalo na sa kung paano ko tingnan 'yung bawat eksena. Feeling ko nag-grow ako dito acting-wise dahil sa guidance ni Direk Mark Reyes at sa guidance ni Coach Jay Cruz,” bahagi ni Miguel sa panayam ng GMANetwork.com sa online media conference ng Voltes V: Legacy noong April 5.

Samantala, sa hiwalay na interview kay Matt noong May, inamin niyang nagkakaroon na sila ng mga cast ng separation anxiety sa isa't-isa.

“Ngayon, actually pinag-uusapan naming lima ito, na nag-sa-start na kaming magkaroon ng separation anxiety kasi for almost three years halos araw-araw kaming magkasama [for the Voltes V: Legacy taping],” sabiu nito.

Dagdag pa ng aktor, “Nakaka-miss 'yung mga bonding moments namin sa set mismo.”

Panooring ang Voltes V: Legacy, Lunes hanggang Biyernas, 8PM, sa GMA.

Basahin ang post ni Direk Mark dito:

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)