TV

MUST-SEE: Raphael Landicho on the set of 'Voltes V: Legacy'

By Marah Ruiz

Nakapasok na rin sa taping ng Voltes V: Legacy ang Kapuso child actor na si Raphael Landicho.

Gaganap siya bilang Little John sa upcoming Philippine adaptation ng iconic anime series na Voltes V.

Matatandaang naantala ang pagpasok niya sa serye dahil hindi pinapayagang lumabas ang mga menor de edad noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang dalawang taon, napa-aprubahan na ang ilang permits na kailangan, nabakunahan na rin si Raphael, at bumaba na rin ang alert level status sa NCR, maari siyang magtrabaho muli.

Very happy si Raphael na makapasok sa set ng Voltes V: Legacy.

"Na-excite po akong maka-taping sila, maka-acting po sila. Na-e-excite po talaga ko, sobra," pahayag ni Raphael.

Lagi naman daw siyang kinukumusta ng cast at crew ng serye para hindi siya manibago sa oras na mag-taping na siya ulit.

Ginamit din daw ni Raphael ang dalawang taong pahinga niya para makapag-training para sa kanyang role.

"Nag-prepare po ako. Nagte-taekwondo din po ako. Exercise na rin po para sa akin," aniya.

Excited na rin daw para sa kanya ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Sinasabi ko po, ang angas nung mga upuan, bumababa mag-isa. Mayroon po akong robot, si Octo-1 dito [sa balikat], gumagalaw din po," kuwento niya tungkol sa experiences niya sa set.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Silipin din ang iba pang artistang bahagi ng cast ng Voltes V: Legacy dito: