TV

'Voltes V: Legacy' to finally premiere in 2023

By Jansen Ramos

Higit isang libong koleksyon ng iba't ibang laruan ang tampok sa Toycon Philippines ngayong taon pero isa sa highlights ng toy convention ang pagdating ng ilan sa cast members ng inaabangang Voltes V: Legacy.

Nagkaroon ng fan meet and greet at panel interview sina Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano, at direktor ng live-action anime adaptation ng serye na si Mark Reyes.

Tila in character sa kanyang blue outfit si Radson na gaganap bilang rodeo champ na si Mark Gordon.

Sa panayam ni Cata Tibayan para sa 'Chika Minute' segment ng 24 Oras kagabi, July 11, sinabi ni Radson na isang karangalan na mapabilang sa Voltes V: Legacy na adaptation ng classic Japanese anime.

"Grabe talaga 'yung show. It transcends age and generation, until now sikat na sikat pa rin. 'Yung mga nakita ko nang parts ng show, super ganda talaga and very much anticipated."

Nagsaboy naman ng cuteness ang pinakabata sa Voltes V team na si Raphael Landicho na lalabas bilang Little Jon Armstrong sa upcoming GMA series.

Ayon sa child actor, dapat daw abangan ang karakter na "Octoman" at ang pagka-genius ng kanyang karakter.

Samantala, nagbahagi naman si Ysabel ng mga hindi niya malilimutang moments habang ginagawa nila ang Voltes V: Legacy.

Aniya, "'Yung kaming lima, 'yung naka-suit na together, we were able to go to the launch pods, 'yung mga super iconic scenes, talagang nakakakilabot talaga."

Dream come true naman para sa big guy with the big heart ng Voltes V team na si Big Bert Armstrong Matt Lozano ang proyekto.

"Pinanood ko nang paulit ulit 'yung mga scenes ng Voltes V and, of course, nag-traning ako ng walang tigil para magampanan ko lahat ng mga action scenes."

Bukod sa pagdating ng cast ng serye, patok din sa Pinoy fans ang merch, posters, at maging ang mascot ng Voltes V.

Marami rin ang maswerteng nakapagpapirma ng kanilang Voltes V collection tulad ng replica ng Voltes V signature sword, ang laser sword.

Damang-dama na nga ang Voltes V fever sa Toycon kaya naman inanunsyo na ni Direk Mark kung kailan ipapalabas ang Pinoy adaptation nito.

Ayon sa direktor, sa susunod na taon ilo-launch ang Voltes V: Legacy.

"Malapit na nating makita ang Voltes V by next year. It will be in 2023," pagbunyag niya.

Paliwanag ni Direk Mark, pinaghusayan nila ang paggawa sa itinuturing na first serious epic sci-fi TV show na more then two years in the making ang produksyon sa kabila ng mga pagsubok at limitasyon bunsod ng pandemya.

"The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series."

Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Japanese creator ng Voltes V na Toei Company at ng Philippine licensing agent nito na Telesuccess Productions, Inc.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated Kapuso series: