TV

CGI ng 'Voltes V: Legacy,' 100% gawang Pinoy

By Jansen Ramos

Ibinuhos ang lahat ng passion at dedication ng mga taong nasa likod ng inaabangang Voltes V: Legacy.

Pruweba diyan ang labis na pinaghandaang five-minute mega trailer ng programa na pinakaunang pasabog ng GMA para sa taong 2023.

Pinuri ang mega trailer ng live-action adaptation ng popular na '70s Japanese anime na heavy sa CGI (computer-generated imagery) at iba pang visual effects.

Ito nga mismo ang labis na ikinaka-proud ng writer ng Voltes V: Legacy na si Suzette Doctolero at ng direktor nitong si Mark Reyes dahil gawa ito ng local animators mula sa Riot Inc. Post-Production at GMA Post Video Graphics and Audio team.

Marami ang namangha sa mga inilabas na teaser ng Voltes V: Legacy, pero aminado si Direk Mark na mayroon at mayroong pupuna sa kanilang proyekto lalo na pagdating sa graphics.

Aniya, isa ito sa mga naging alinlangan niya noong una para gawin ang llve-action adaptation series.

Bahagi niya sa isang virtual interview ngayong January 3, "It's the repercussion of doing something this ambitious and how people are going to react. I said it on my Facebook page because someone has to step up.

"Kung ang mentality natin ay crab mentality na 'Voltes V, gagawin n'yo? 'Wag n'yo gawin 'yan, 'di n'yo kaya 'yan,' kelan pa tayo mag-uumpisa? We've been left behind by Korea, by Mexico, by India in terms of the global market of doing something like this."

Para sa direktor, isa itong magandang simula para muling mapansin ang mga dekalibreng gawang Pinoy.

"We have shows now like Maria Clara at Ibarra creating milestones for us. Voltes V is something that may not be that successful but, at least, it's a first necessary step.

"If we don't go out there and face this challenge and this maddening crowd, we'll never get anywhere, 'di ba? And mali 'yung ''wag n'yong gawin.' 'Wag tayong mag-isip ng gano'n. Walang mangyayari sa Philippine entertainment if we think that way. Kailangan try nating gawin, that should be the attitude that we should have and then support it.

"Here, pinagkagastusan ng network, pinayagan ng Japan, my blessing ng Japan, pinaghirapan namin, hindi namin minadali. Ang daming nagagalit na ang tagal-tagal naman n'yan. At the same time naman, 'pag minadali n'yo, sasabihin minadali. And here we are, we're working on it for almost four years so give us a chance to see what we've done."

Patiikim pa nga lang daw ang mega trailer ng Voltes V: Legacy para makita ng madla kung gaano pinaghandaan at pinagkagastusan ang serye na tinatayang "most expensive show" na iprinodyus ng GMA.

Patuloy niya, "I felt naman I won't go into something na feeling ko 'di ko kakayanin or 'di kakayanin ng mga taong katabi ko, 'yung koponon na nasa tabi ko matagal ko nang katrabaho 'yan e and I give kudos to GMA na pumayag sila na sige gawin natin 'yan because it is the most expensive show that GMA has done.

"So hopefully it's not only the Philippines that's the market of this but globally. We market this to the world na wow, proudly 100 percent Filipino made."

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa 2023 sa GMA Telebabad.

NARITO ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD SA MUCH-AWAITED SERIES: