TV

Regine Angeles, na-challenge kay Direk Adolf Alix, Jr. sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio

Aminadong nahirapan ang Kapuso actress na si Regine Angeles sa kanyang karakter sa unang istorya ng 'Wagas' na 'Throwback Pag-ibig.'

Regine Angeles


Ayon kay Regine, kinailangan niyang mag-adjust para sa kanyang karakter na si Amor.

READ: Regine Angeles, may peg na sa kanyang karakter sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig'

"Iba 'yung interpretation ko sa interpretation pala ni Direk [Adolf Alix, Jr.]," pag-amin ni Regine.

"'Yung interpretation ko parang somewhere in the middle, mas mataas pa pala [yung kailangan]."

Ikinuwento rin ni Regine ang tulong na ibinigay ni Mailes Kanapi, na gagaganap bilang nanay niya sa 'Throwback Pag-ibig.'

"Nakuha ko [yung taas ng energy] nung dumating yung nanay ko kasi, yung nanay ko, ginagampanan ni Ms Mailes Kanapi," saad niya.

"Ang taas niya, so nasabayan ko siya. Sabi ni Direk, 'Ayan nakuha mo!' Ayun, super happy ako na, finally, nakuha ko na siya."

Bukod kina Regine at Mailes, bibida sa 'Throwback Pag-ibig' sina Sunshine Dizon, Mike Tan, at Leanne Bautisa.

Kasama rin sina Lovely Abella, Rob Sy, at Iyah Mina.

Abangan ang unang istorya ng 'Wagas' na pinamagatang 'Throwback Pag-ibig,' malapit na sa GMA!