GMA Logo Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ratings T-card
PHOTO COURTESY: Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Facebook)
What's on TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' continues to soar high in ratings!

By Dianne Mariano
Published August 1, 2023 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ratings T-card


Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' mga Ka-Tolome!

Mainit na tinutukan ng mga manonood ang mga tumitindi at nakatutuwang eksena sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Sa katunayan, patuloy na namamayagpag sa TV ratings ang naturang programa.

Nakapagtala ng 12 percent ang ratings ng ninth episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na ipinalabas noong July 30, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa episode na ito, matatandaang may nakuhang logbook sina Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.), Style (Niño Muhlach), at Pretty (Angel Leighton) sa isang lugar na kanilang pinasok. Ang naturang ebidensya ay may koneksyon sa sindikatong Brainwash Inc.

Binigyan naman ni Chief Lorenzo (Dennis Marasigan) ng bagong assignment ang team ni Tolome at binigay kay Major Vincent Policarpio (Dennis Padilla) ang kaso tungkol sa Brainwash Inc.

Samantala, nakatanggap ng regalo si Gloria (Beauty Gonzalez) mula sa kanyang secret admirer at inakala nila nina Tiya Lucing (Carmi Martin) at Candida (Maey Bautista) na bomba ang laman ng dumating na package ngunit isang relo pala ito.

Nakatanggap din si Gloria ng messages mula sa isang taong nagngangalang “Y.D”

Hindi naman mahanap nina Pretty at Style ang logbook sa tamang lalagyan nito kaya naisip nila na baka mayroong kasabwat ang Brainwash Inc. sa loob ng presinto at kinuha ang nasabing ebidensya.

Sa pamamagitan ng CCTV footage, nalaman nina Tolome na si Chief Lorenzo ang kumuha ng logbook.

Sa pag-uusap nina Tolome at Chief Lorenzo, binigay ng huli sa una ang isang envelope na makakatulong sa paghuli sa buong Brainwash syndicate at magre-resign na rin daw ito sa kanyang trabaho.

Sa kasamaang palad, dalawang babae ang bumaril kay Chief Lorenzo habang nasa labas ito ng police station.

Nairita naman si Gloria sa kanyang secret admirer na pinadalhan siya ng regalo at tine-text siya kung kaya't nagdesisyon siyang hanapin ito para komprontahin. Laking gulat ni Gloria nang makita niyang si Tolome ang taong ito, na sinorpresa siya sa kanilang anniversary.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo sa GMA.