Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Brainwash Inc., mayroong itinumbang pulis?

Patuloy na tumitindi ang mga tagpo sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dahil sa mga pasabog na rebelasyon.
Kasabay nito ang patuloy na pagtaas ng ratings ng naturang programa, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Matatandaan na umani ng 12 percent na ratings ang nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na ipinalabas noong July 30, ayon sa NUTAM People Ratings.
Balikan ang ilang highlights sa nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa gallery na ito.









