Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Suspendido si Major Bartolome Reynaldo?

Mas tumitindi ang mga aksyon at saya sa nalalapit na season finale ng high-rating action-comedy series ng GMA na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Noong nakaraang episode, matatandaan na suspendido si Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.) mula sa kanyang trabaho matapos ma-frame-up at maakusahan na parte ng sindikatong Brainwash.
Nalaman ng pamilya ni Tolome ang nangyari sa kanya sa trabaho kaya naman dinamayan nila ito. Dinamayan din ni Elize (Max Collins) si Tolome matapos niyang malaman ang problema nito tungkol sa trabaho. Pero may iba palang pakay si Elize kay Tolome.
Bukod dito, nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Bituka (Manolo Pedrosa) at Puso (Max Collins) nang malaman nito na nasaktan ng binata ang kanyang kapatid na si Sheena (Kate Valdez). Pinrotektahan kasi ni Sheena si Gary (Kelvin Miranda) sa away nito kay Bituka.
Samantala, nakilala ng mag-asawang Tolome at Gloria ang tumatakbong mayor na si Hugo Salazar. Labis ang paghanga ni Hugo kay Tolome dahil sa pagiging magaling na pulis nito. Inalok pa niya ito ng posisyon bilang kanyang head of security.
Sinabi naman ni Tolome na nais muna niyang makabalik sa serbisyo para malinis ang kanyang pangalan.
Balikan ang ilang highlights sa nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa gallery na ito.







