TV

Niño: A story of hope and inspiration


Isa na namang kuwento na aantig sa puso ng mga manonood ang inihanda ng GMA.

Ngayong Mayo na magsisimula ang GMA Telebabad show na Niño, starring child stars Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Renz Fernandez.

Na-interview ang tatlong stars kamakailan sa Walang Tulugan with the Master Showman at ibinahagi nila ang kanilang mga papel sa upcoming show.

Ayon sa lead star na si Miguel, nakaka-feel good ang show nila.

“Ito yung palabas na magbibigay sa inyo ng pag-asa at saya sa puso. Ma-i-inspire po kayo rito gabi-gabi,” sabi niya.

Isa sa mga aral na mapupulot dito ay ang kahalagahan ng pagkakaibigan at pagtutulungan na ipapakita ni Bianca sa kanyang karakter.

“Ako dito yung best friend ni Niño. Kumbaga, sa lahat ng pagdadaanan niya, ako ‘yung number one supporter niya,” kwento ni Bianca.

Si Renz naman, bagama’t nacha-challenge sa role niya, ay excited sa kanilang upcoming project.

“Since bata po ako, puro ‘the good guy’ po (ang ginagampanan ko) eh. Ngayon po medyo kakaiba naman, medyo ako naman ‘yung mayabang at jerk,” aniya.

Pero mas matindi ang excitement nila kaysa kaba dahil sa ganda ng kuwento ng kanilang soap.

“Magbibigay po ito ng initiative sa televiewers na simulant na ‘yung pagtutulungan. Tungkol ‘to sa isang grupo na talagang daraan sa maraming pagsubok,” ayon kay Renz.

Kasama ng tatlong child stars dito sina David Remo, Julian Trono, Sandy Talag, Vincent Magbanua, German Moreno, Lotlot de Leon, Katrina Halili, Dante Rivero, Neil Ryan Sese, Luz Valdez, Tess Quesada, Gerald Napoles at Gloria Romero.

Abangan ang nakakaantig na kuwento ni Niño ngayong Mayo sa GMA Telebabad.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com