TV

Anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez, walang balak maging Concert King

By MARY LOUISE LIGUNAS



Inamin ng anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin sa Walang Tulugan na wala siyang balak magkaroon ng titulo sa music industry na kasing taas ng kanyang mga magulang.
 
Concert King at Concert Queen mang tinagurian sina Martin at Pops, hindi nakikita ni Robin ang pangangailangan na maabot iyon.
 
“I don’t want to become Concert King or Queen [level] kasi parang pressure 'yan eh, [tipong] concert every year,” sabi niya.
 
Gayunpaman, sinusubukan din ni Robin na magkaroon ng sariling pangalan sa industriya na hindi nakaugnay sa kanyang mga magulang.
 
“I’m working on a third album [wherein] I’m trying to write and produce all the songs. I want to help my other friends in the industry with music. I’m also scoring a TV show,” kuwento ni Robin.
 
Natupad din ang isa sa mga pinakagustong gawin ni Robin nang mag-produce siya ng album para sa kanyang mga magulang.
 
“I’ve done one of the things off my bucket list three years ago. My second produced album was for my mom and dad. I produced their album so that’s something that I really, really wanted to do some time in my life and I got to do it at the age of 26,” aniya.
 
Magkakaroon rin ng concert si Robin sa Hulyo kasama ang mga anak nina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma at Gary Valenciano.