TV

Snooky Serna, happy to be reunited with Dina Bonnevie on 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya

Masayang-masaya ang aktres na si Snooky Serna na mapabilang sa reimagining ng 1984 film na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Waray.

Ayon kay Snooky, espesiyal daw talaga ang proyektong iyon para sa kaniya.

Aniya, "Very important sa life ko 'yung Anak ni Waray Vs. Anak Ni Biday noong 1980s, may sentimental value sa akin 'yung pelikula na 'yon. Kaya [para] maging part [ako] ng teleserye ngayon ay sobra-sobrang kasagutan sa mga panalangin ko.

"Talagang very very happy ako to be a part of this, sincerely."

Maliban sa pagiging parte ng cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, isa pa sa ikinatutuwa ni Snooky ay ang reunion niya with Dina Bonnevie na nakatrabaho niya noon sa pelikulang 'Underage.'

"Actually nakakatuwa kasi parang walang space, parang hindi kami nagkahiwalay nang ilang taon at nagkaroon kami ng kaniya-kaniyang buhay.

"I'll speak personally for myself, I feel very much at ease with Miss Dina Bonnevie kasi Dina has a knack for making people feel at ease. Masaya ang bonding namin, Dina is very conversational, she's so sweet."

Para naman kay Dina, kahit ngayon lang daw ulit sila nagkatrabaho ni Snooky, wala daw nagbago sa kanilang pagkakaibigan. "Matindi 'yung drama dito kasi magkagalit kami ni Snooky dito.

"Ang hirap nga, e, kasi kuwentuhan kami ng kuwentuhan sa tent. Biglang pagdating sa eksena, magbubugbugan kami! 'Eh si Snooky, tawa nang tawa sa'kin, sabi ko 'Snooks, sigurado akong galit sa'yo! Seryoso tayo! Natatawa ako sa'yo 'eh.' Ako rin naman natatawa sa kaniya kasi hindi ako sanay na palaban siya.

"'Yung mga movies namin noon ni Snooky, mahihin siya, mabait, laging kawawa. Snooks, talagang palaban ka na ngayon 'ah!

"It's different pero 'yung friendship namin parang not a day lost. Everyday we recount 'yung mga Regal days, reminisce kami nang reminisce.

"Thank you to GMA for choosing me to be part of this wonderful teleserye."

Abangan ang reunion nina Snooky at Dina sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kasama ang new-breed of Kapuso actresses na sina Barbie Forteza at Kate Valdez ngayong Lunes na, January 27, pagkatapos ng 24 Oras.