TV

Barbie Forteza, humanga kina Lovi Poe at Max Collins sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya

Tampok ang Kapuso actresses na sina Lovi Poe at Max Collins sa unang linggo ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday bilang younger versions nina Sussie at Amy.

Sa Kapuso Showbiz ws interview ni Barbie Forteza, ikinuwento niya na talagang napahanga siya kina Lovi at Max sa kanilang natatanging pagganap sa show.

Aniya, "Sobrang bilib ako sa kanila kasi ang fluent nila sa Waray at Ilocano dialect.

“Lahat kami nag-take up ng short class ng dialect na 'yon at ang hirap niya.

“Pero sa kanila, parang ang fluent-fluent, natural talaga nilang na-deliver 'yon. Sobrang na-pull off nila 'yung characters as young Waray and young Biday.

“Naintindihan 'nung mga tao kung bakit naging mortal enemies."

Malapit na rin mapanood sina Barbie at Kate Valdez sa show.

Ayon kay Barbie, marami rin silang eksenang dapat abangan sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

"Finally, mapapanood na kami, lalabas na kami ni Kate Valdez.

“Magsisimula ulit ang storya, makikita n'yo kung paano mabi-build up 'yung friendship namin.

“Makikita n'yo rin na mag-vo-vlog kami, magiging travel vloggers kami.

“Ie-explore namin ang ganda ng Leyte, ang ganda ng Ilocos, ipapakita namin ang paggawa ng binagol, ang famous delicacy ng Tacloban," wika ng aktres.

Isa pa sa kaabang-abang na eksena nina Barbie as Ginalyn ay ang confrontation scene nila ng adult Sussie, played by Dina Bonnevie, kung saan binuhusan siya nito ng kape!

Panoorin ang interview ni Barbie sa Kapuso Showbiz News video below:

Muling balikan ang mga eksena nina Lovi at Max sa highlights ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday below:

Huwag palampasin ang mga eksena sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, gabi-gabi sa GMA Primetime pagktapos ng 24 Oras.