TV

Ginalyn, humingi ng tawad kay Caitlyn sa kaniyang hugot makeup tutorial vlog

By Felix Ilaya

Last Monday (June 1), napanood na ang first-ever online special ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Tampok sa online special na ito ang apology vlog ni Ginalyn (Barbie Forteza) para sa kaniyang Sishie na si Caitlyn (Kate Valdez).

Matatandaan na tinapos na ni Caitlyn ang pagkakaibigan nilang dalawa nang malaman niya na si Ginalyn pala ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya ng boyfriend niyang si Cocoy (Migo Adecer).

Maliban sa paghingi ng tawad sa kaniyang Sishie, gumawa rin si Ginalyn ng isang "hugot" makeup tutorial para ma-achieve ang tinatawag niyang "Mukhang Hindi Nasaktan Look."

Panoorin ang apology vlog and makeup tutorial ni Ginalyn sa video below:

Sa exclusive Kapuso Showbiz News interview ni Barbie Forteza, kinuwento ng Kapuso Primetime Princess ang naging challenges niya sa paggawa ng "vlog" na ito.

Ngayong darating na Lunes (June 8), mapapanood naman ang reaksyon ni Caitlyn (Kate Valdez) sa vlog ni Ginalyn. Makukuha niya kayang patawarin ang kaniyang Sishie? Abangan.