TV

Barbie Forteza at Kate Valdez, bakit nag-away sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday?'

By Bianca Geli

Naging matunog sa social media ang February 4 episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday matapos mauwi sa iyakan at awayan ang mag-bestfriends na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez).

Ito ay dahil nalaman ni Caitlyn na si Ginalyn ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Cocoy (Migo Adecer) sa kanya.

Lalong nasaktan di Caitlyn ng makarating sa kanya na nagkita ang dalawa nang hindi ipinapaalam sa kanya. Hindi alam ni Caitlyn na tinulungan lang ni Cocoy si Ginalyn ng mahimatay ito.

Samantala, hihingi ng dispensa si Joaquin (Jay Manalo) kay Sussie (Dina Bonnevie) matapos niyang iwan ito sa altar sa araw ng kanilang kasal.

Matanggap pa kaya ni Sussie si Joaquin matapos nitong mangiwan?

Pilit mang pigilan ni Ginalyn at Cocoy ang mga nararamdaman ay hindi nila maitago ang pagkakalapit ng mga damdamin nila.

Pero hindi magpapatalo si Caitlyn at susugurin si Ginalyn.

Ano naman kaya ang maging depensa ni Ginalyn laban sa kanyang bestfriend? Friendship over na kaya ito para sa dalawa? May magagawa ba si Cocoy para magkabati pa ang dalawang babae na napalapit sa kanya?

Abangan ang fresh episodes ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA-7 tuwing Lunes hanggang Biyernes alas-otso ng gabi.

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Getting close with my best friend's ex-boyfriend

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Cocoy rescues Ginalyn

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: My ex- fiancé's apology