GMA Logo Carla Abellana victim of scam
Courtesy: carlaangeline (IG)
What's on TV

Carla Abellana, naging biktima noon ng scam?

By EJ Chua
Published November 26, 2024 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana victim of scam


Carla Abellana sa panloloko noon ng isang kakilala: “Tinakbo 'yung malaking amount of money that was owed to me.”

Isang malungkot na pangyayari ang inalala ng A-list Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Carla Abellana, ikinuwento niya ang isang pangyayari kung saan masasabi niyang siya ay naging isang biktima.

“Isa sa mga una kong naiisip kung saan masasabi kong naging biktima ako is something that involves financial matters,” pahayag niya.

Naranasan noon ng aktres na maloko ng isang taong sobrang pinagkatiwalaan niya.

Pagpapatuloy ni Carla, “Very personal ito, sa trabaho na rin siya. Minsan kasi siyempre, hindi natin talaga ma-e-expect na 'yung mga taong pinagkakatiwalaan natin ay puwede tayong lokohin or puwede tayong pagsamantalahan.

“Unfortunately, at one point I was taken advantage of… taong malapit sa akin at pinagkatiwalaan ko talaga,” dagdag pa niya.

RELATED CONTENT: 10 times Carla Abellana stood out in sheer outfits

Ayon sa aktres, natakbuhan siya ng malaking halaga ng pera ngunit hindi na umano ito naibalik sa kanya.

Kuwento ni Carla, “Tinakbo 'yung malaking amount of money that was owed to me… biktima talaga ako sa pagkakataong iyon, financially. Hindi ko nakita right away kung paano siya nangyari. Too late na rin nung na-discover ko. Trabaho 'yun, pinaghirapan and all.”

Bukod sa aktres, naranasan na ring ma-scam noon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Carla sa pinag-uusapang murder mystery drama na Widows' War.

RELATED CONTENT: Widows' War: Mga eksena sa burol ni Basil Palacios