
Usap-usapan sa social media ang mga nangyayari sa karakter ni Carla Abellana sa Widows' War.
Napapanood si Carla bilang si Georgina “George” Balay-Palacios, isa sa mga bida sa hit murder mystery drama series.
Sa previous episodes, marami ang nainis kay George dahil gustong-gusto niyang angkinin ang magiging anak ni Sam, ang karakter naman ni Bea Alonzo.
Kamakailan lang, isinilang na ni Sam ang anak nila ng yumao niyang asawa na si Paco Palacios (Rafael Rosell).
Widows' War: Bea Alonzo at Rafael Rosell's sweet scenes as Sam and Paco
Si George ang kasama ni Sam noong manganak ito sa isang liblib na lugar at pagkagising ng huli, wala na ang kanyang baby pati na rin ang una.
Sa susunod na episode ng serye, kaabang-abang kung ano ang gagawin ni George sa anak ni Sam.
Matutunghayan ang mabilis at palihim niyang paglayo kay Sam ngunit dahil sa walang humpay na pag-iyak ng sanggol ay bigla siyang mapapaisip.
Makokonsensya ba siya sa balak niyang pagtakas kasama ang sanggol?
O paninindigan ni George ang pag-angkin sa anak ni Sam?
Huwag palampasin ang mga susunod na rebelasyon sa Widows' War, ang pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.