GMA Logo Jean Garcia
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Jean Garcia, pagod nang manampal ng kapwa aktor?

By EJ Chua
Published January 11, 2025 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Jean Garcia sa kaniyang iconic sampalan scenes: “Nakakapagod ding maging kontrabida…”

Isa si Jean Garcia sa mga batikang aktres na tila kinatatakutan ng mga kapwa aktor kapag intense scenes ang pag-uusapan.

Bukod sa madalas na pagganap bilang kontrabida sa iba't ibang palabas, kilala rin siya sa kaniyang iconic sampal na naranasan na ng kaniyang mga naka-eksena.

MGA AKTOR NA NAKATIKIM NG SAMPAL MULA KAY JEAN GARCIA

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jean, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa bansag sa kanya ng marami bilang Sampal Queen.

Sabi ni Jean, “Sumusunod lang ako sa kung ano lang 'yung pinagagawa sa script bilang artista. Siyempre, 'pag pinagawa sa'yo eh gagawin at natataon na marami-rami na rin akong nasasampal.”

Inamin din ng aktres na napapagod din siya sa mga eksenang may kailangan siyang sampalin.

Pahayag niya, “Ayoko nang manampal, napapagod din ako. Masakit din siya sa palm ah. Ayoko na pero kapag kinakailangan, yes, 'pag sinabi sa script, yes.” Hindi naman ako looking forward na sa eksena na mga sampalan.”

Seryoso ring inilarawan ni Jean ang nararamdaman niyang pagod sa kaniyang kontrabida roles sa mga seryeng kaniyang kinabibilangan.

“Actually, napapagod ako. Nakakapagod ding maging kontrabida kasi 'yung energy at emotions na nilalabas mo, iba rin siya,” paglalahad niya.

Paliwanag pa niya, “Kahit na nananakit ka, it's also hard kasi mas mataas ang emotions palagi ng kontrabida kaysa sa nakakaawa. 'Yung mas matapang, mas mahirap gawin 'yun… Kunwari galit na galit ka, after nun, pagod na pagod ka… ayun, tiring talaga.”

Samantala, isa si Jean sa mga talaga namang sinusubaybayan ng Pinoy viewers sa hit murder mystery drama na Widows' War.

Napapanood si Jean bilang ang matapang, mataray, at kinatatakutan ng marami na si Madam Aurora Palacios.

Si Aurora Palacios ba ang mastermind sa mga patayan sa serye?

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng Widows' War.

Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.

WIDOWS WAR: WHO IS THE TOUGHEST AMONG THESE WOMEN