TV

Ready ka na ba magpaturok ng 'bak-ccine' sa 'YouLOL Comedy Night Live'?

Iba ang nagagawa ng pagtawa para matalo ang anxiety at lumbay na dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaya hatid ng GMA Entertainment Group (EG) ang bagong episode ng hit online show na YouLOL Comedy Night Live kung saan bibida ang ilan sa pinakamagagaling na comedian ng Kapuso Network.

Ngayong Miyerkules ng gabi, December 16, mapapanood ang kulit trio nina Boobay, Tekla at Donita Nose na maghahatid ng tawanan at papremyo sa mga loyal na Kapuso at Ka-YouLOL.

Sa exclusive interview ni Nelson Canlas sa kanilang tatlo, ibinahagi nila ang mga maaasahan ng viewers sa hinanda nilang pasabog na livestreaming sa YouLOL Comedy Night Live!

Pangako ni Tekla, “Ay riot ito Nelson, riot [talaga]!”

Sinegundahan naman ito ni Boobay na “no dull” moment daw sila mamayang gabi.

Aniya, “'Yung sinabi mong no dull moment, ito naman daldal moment ang magaganap Kuya Nelson.”

Nakakatuwa din na makakasama nina Boobay at Tekla, ang COVID-19 survivor na si Donita Nose.

Matatandaan na noong Agosto ay nakalabas na ito ng ospital matapos tamaan ng coronavirus.

Sabi ni Donita na ang mga “bak-ccine” na tulad nila ang gamot sa nararanasan nating pandemya.

Wika niya, “Kung may tinatawag sila na dapat na vaccine, ito 'yung mga bak-ccine kami talaga ang gamot sa pandemya!

“Mga bakla, kaya bak-ccine ganon!”

Health protocol

Naikuwento din ng mga Kapuso comedians sa panayam nila kay Nelson Canlas ang mga pinagdadaanan nilang strict health protocols sa tuwing sumasabak sila sa trabaho.

Ilang beses na ba naranasan ni Boobay ang sumailalim sa swab testing?

Aniya, “Eight to 10 na-swab test 'yung naranasan ko simula noong pandemya.”

Bago natapos ang kanilang panayam sa Chika Minute, may nakakatawang hirit pa si Donita Nose tungkol sa kanilang tatlo, kung saan inahalintulad pa nila sila sa isang hinandang pagkain.

Biro ni Donita, “Ito na 'yung ihahanda ng GMA na pagkain. Siyempre pag bagong luto ako 'yun ngayon pag medyo tapos na kumain, maiiwan sa lamesa 'yung pagkain si Boobay na 'yun.

“Ngayon pag panis na si Tekla na 'yun.”

Huwag kakalimutan ang funtastic livestreaming ng YouLOL Comedy Night Live featuring Boobay, Tekla at Donita Nose sa official comedy channel ng YouLOL sa ganap na 8:00 p.m.

Sagot na namin ang unli-good vibes every day. Please visit the YouLOL channel on YouTube and be part of the more than 190,000 subscribers na certified Ka-YouLOL.

Related content:

YouLOL channel garners millions of views in few months

'YouLOL' comedy channel, nag-trend sa YouTube Philippines