LOOK: Devon Seron as Rose in the film 'Bakwit Boys' | GMANetwork.com - Films - Articles

Ikinuwento ni Devon Seron kung bakit malaking bagay para sa kanya ang mapasama sa pelikulang 'Bakwit Boys.'

LOOK: Devon Seron as Rose in the film 'Bakwit Boys'

By MICHELLE CALIGAN

Kabilang sa cast ng pelikulang Bakwit Boys si Kapuso actress Devon Seron. Isa ito sa mga kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines ngayong 2018.

READ: Kapuso stars, mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino entries


Sa ginanap na press conference para sa naturang pelikula directed by Jason Paul Laxamana, ikinuwento ni Devon kung bakit malaking bagay para sa kanya ang mapasama dito.

Aniya, "Malaking bagay po talaga ang film na ito sa akin kasi galing ako sa banda before, pero sobrang tagal na po nun. Itong film na ito, umiikot siya sa mga pangarap sa buhay. So kahit rich ka, poor ka, may kanya-kanyang struggles to fulfill your dreams. Meaningful siya sa akin hindi lang sa pag-arte, bumalik din ang pagmamahal ko sa pagkanta, sa music, kaya very emotional ako."

Mapapanood ang Bakwit Boys simula August 15. Narito ang kanilang official trailer: