EXCLUSIVE: Arny Ross, napasin ang pagiging mabusisi ni 'Family History' director Michael V. | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon kay Arny Ross, walang detalye ang nakalulusot sa mata ng multi-awarded comedian na si Michael V.

EXCLUSIVE: Arny Ross, napasin ang pagiging mabusisi ni 'Family History' director Michael V.

By AEDRIANNE ACAR

Isa sa mga katangiang napapansin ni Arny Ross sa co-star niya sa Bubble Gang na si Michael V. ang pagiging mabusisi nito sa lahat ng aspeto ng show.

 

Arny Ross
Arny Ross

 

Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging aktor, tumatayo ring creative director ng Kapuso gag show si Bitoy.

Ayon kay Arny, walang detalye ang nakalulusot sa mata ng multi-awarded comedian.

“Very detailed kahit nagti-taping kami, so kahit na aktor siya nagiging observant talaga siya kahit ano.

“Kasi, matagal na niyang show itong Bubble Gang, so he really observes every details of the show, even yung pinakamaliit man yan o pinakamalaki, involved siya palagi.”

Nang magpag-usapan naman ang film project ni Direk Michael na Family History, labis ang tuwa sa mukha ng actress-dancer dahil nakikita niyang natutupad ang dream ng comedy actor na gumawa ng pelikula.

“Ito, pinakabago at pinaka-dream niya talaga, so I’m very proud of him and I know that it will be a successful movie.

“And kahit first time niya mag-direk nito, alam ko magiging patok yung movie lalo na ka-partner niya si Ms. Dawn (Zulueta).”

Family History is a joint project of GMA Pictures and Mic Test Entertainment.

It will be shown in cinemas nationwide starting July 24.

WATCH: What did Michael V. learn about filmmaking while doing 'Family History'?

Bakit tinuturing ni Nikki Co na blessing maging parte ng 'Family History'?