READ: Netizens affirm 'Family History' is worth watching | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa ikalawang linggo sa takilya, tinatangkilik pa rin ang tinaguriang "best family drama movie of the year,' ang 'Family History.'

READ: Netizens affirm 'Family History' is worth watching

By AEDRIANNE ACAR

Walang awat ang pagdagsa ng positive reviews ng netizens sa Twitter sa comeback movie ng award-winning comedian na si Michael V., ang Family History.

Sa second weekend nito sa mga sinehan, pinipili ng moviegoers na panoorin ang pelikula na sinulat, dinirek at piniroduce mismo ni Bitoy.

Sa tweet ni Joken Afable Rellora, sinabi nito na 'worth watching' ang film na binuo ng GMA Pictures katuwang ang Mic Test Entertainment.

 

 

Heto pa ang ilang reviews ng mga tao sa Twitter sa tinaguriang 'best family drama movie' of the year.

 

 

Kasama din ng Kapuso comedian sa movie sina Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at marami pang iba.

Family History is now on its second week, mapapanood pa rin sa mga piling sinehan nationwide.