Eksena nina Alden Richards at Julia Montes sa 'Five Breakups and a Romance,' patok sa TikTok | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Huwag nang magpahuli! May kanya-kanyang entries na ang TikTok content creators tungkol sa ‘Five Breakups and a Romance’ scene drop nina Alden Richards and Julia Montes.

Eksena nina Alden Richards at Julia Montes sa 'Five Breakups and a Romance,' patok sa TikTok

By EJ CHUA

Patok na patok ngayon sa social media ang scene drop nina Alden Richards at Julia Montes para sa kanilang upcoming movie na Five Breakups and a Romance.

Kamakailan lang, nag-trend ang naturang scene drop at umani na ng napakaraming positive comments ang tambalan nina Alden at Julia.

Bukod sa mga papuri, ni-reenact ng ilang netizens at TikTok content creators ang viral na eksena ng mga bida sa pelikula. Mula sa lines hanggang sa pagbuhos ng emosyon, game na game nilang ginaya ang mga karakter nina Alden at Julia na sina Lance at Justine.

Isa sa mga nag-reenact ng pinag-uusapang eksena ay ang TikTok content creator na si Chichi Dela Cruz.

Binigyang-buhay ni Chichi sa video ang karakter ni Alden na si Lance.

@kuyachichi Nasaktan. (Alden kabahan kana ????) #kuyachichi #teamrepatids #FiveBreakUpsAndARomance #5BAARscenedrop ? original sound - Chichi Dela Cruz

Video Courtesy: Chichi Dela Cruz (TikTok)

Bukod sa kanya, ilan pang netizens at TikTok influencers ang nagbahagi rin ng kanilang mga entry.

@superkenken95 Nasaktan.... ???? #fivebreakupsandaromance #5breakupsandaromance #aldenrichards #juliamontes #fyp? #foryoupage #shortvideos @GMA Network @ABS-CBN ? original sound - GMA Network

Video Courtesy: Ken Degamo (TikTok)

@panginoonngkababawan Nasaktan. #FiveBreakUpsAndARomance #5baarscenedrop ? original sound - Panginoon Ng Kababawan

Video Courtesy: Panginoon Ng Kababawan (TikTok)

Samantala, mapapanood ang original scene drop nina Alden at Julia sa video na ito:

Ang upcoming film na ito ay isinulat at idinirek ni Direk Irene Villamor at ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Alden at Julia. 

Abangan ang iba pang intense scenes nila mula sa pelikula.

Sabay-sabay nating panoorin ang Five Breakups and a Romance sa big screens, ngayong 2023 na.