Ruru Madrid at Yassi Pressman, may nabuong malalim na pagkakaibigan sa 'Video City' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

'I didn't expect na ganito po 'yung magiging samahan namin,' pag-amin ni Ruru tungkol kay Yassi Pressman.

Ruru Madrid at Yassi Pressman, may nabuong malalim na pagkakaibigan sa 'Video City'

By AARON BRENNT EUSEBIO

Isang dekada na ang nakalipas mula nang huling magkatrabaho sina Ruru Madrid at Yassi Pressman ngunit hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng malalim na pagkakaibigan dahil sa pelikulang Video City.

Ayon kay Ruru, hindi niya inaakala na parang walang nagbago kay Yassi kahit matagal silang hindi nagkatrabaho.

"I didn't expect na ganito po 'yung magiging samahan namin, 'yung friendship namin," pag-amin ni Ruru sa ginanap na presscon ng Video City noong September 5 sa Viva Cafe.

"Matagal kaming hindi nagkita pero lagi ko pa rin siya napapanood sa mga pelikulang ginagawa niya, sa mga proyektong ginagawa niya. And I'm very, very proud sa kanya sa lahat ng achievements niya in life.

"Ganun pa rin, siya pa rin 'yung Yassi na nakilala dati, siya pa rin 'yung Yassi na nagbibigay liwanag sa lahat. 'Pag nandyan siya, masaya lang lahat."

Bukod sa pagiging generous ni Yassi, masuwerte din si Ruru dahil magaling ang kanyang co-star.

"Very generous, hindi lang sa pagkain na binibigay niya sa set, kung hindi sa emosyon na binibigay siya sa bawat eksena na ginagawa namin," dagdag ni Ruru.

"I'm very lucky na makatrabaho si Yassi ulit."

Hindi naman nag-iisa si Ruru sa ganitong pakiramdam dahil kinuwento ni Yassi na masaya siya na muli silang nagkasama ng aktor hindi lang sa isang proyekto kung hindi sa dalawa.

Bukod sa Video City na mapapanood sa mga sinehan sa September 20, magkasama rin sina Ruru at Yassi sa upcoming GMA Telebabad series ng GMA Public Affairs na Black Rider.

"Mga teenagers pa po kami noon, mga bata pa lang, mga nangangarap, mga nagtatrabaho, working really hard and now, seeing each other again, parang, in a way, nostalgic rin para sa amin," ani Yassi.

"I'm very, very proud of Ruru, siyempre napapanood ko rin siya. Higit po sa lahat, nahuhusayan ako sa kanya, very, very generous din po siya. Hindi rin po ako makakapagbigay ng ganon kung hindi niya ibubuhos ang lahat.

"Malaki po ang respeto ko kay Ruru because nararamdaman ko 'yung puso niya talaga, be it dito sa Video City or sa isa pang project na ginagawa namin, hindi lang on set kung hindi pati sa mga tao.

"For me, 'yun 'yung mga masasarap katrabaho."