GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mag-amang nakatira sa barong-barong, inilapit ng concerned citizen sa Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 7, 2024
Kapusong Totoo

Ang itinatapon ng iba, kabuhayan para kay Mang Romy na sa edad na 58 ay doble-kayod pa rin para sa kanyang anak. Inilapit siya ng isang concerned citizen sa GMA Kapuso Foundation para matulungan. Read more


2 pamilyang nag-uulam ng toyo at mantika, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 6, 2024
OTPOAFX8z78

Sa tahanan nagsisimula ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng isang bata. Pero para sa dalawang pamilyang nakilala namin sa Gainza, Camarines Sur, sapat na ang toyo at mantika sa hapag para maibsan ang kumakalam na tiyan. Read more


Mga batang kulang sa timbang, inabutan ng gift bag, pagkain at hygiene kits | 24 Oras

Feb 2, 2024
GMA Kapuso Foundation

Para makatipid, chichirya na ang inuulam ng isang pamilya sa Gainza, ang bayan sa Camarines Sur na may pinakamaraming undernourished na batang edad 5 hanggang 9, batay sa tala ng National Nutrition Council noong 2022. Tinulungan natin sila kasabay ng paghahatid ng mga pagkain, laruan at hygiene kits sa ilang mag-aaral doon. Read more


GMA Kapuso Foundation at DOH, magkatuwang sa goiter screening at salt testing sa Koronadal City | 24 Oras

Jan 31, 2024
GMA Kapuso Foundation

Mga Kapuso, alam niyo ba na meron tayong "Asin Law" para siguruhing may sapat na iodine ang ating asin? Malaking bagay kasi 'yan laban sa kakulangan ng iodine na pwede pang mauwi sa goiter. Kaya naman may salt testing din na isinabay sa pa-goiter screening ng GMA Kapuso Foundation at health department sa Koronadal City. Read more


GMA Kapuso Foundation at DOH, nagsagawa ng libreng goiter screening sa General Santos City | 24 Oras

Jan 29, 2024
GMA Kapuso Foundation

 Higit sa goiter ang epekto ng kakulangan sa iodine, dahil kung dumapo sa nagdadalang tao ay maaaring maka-apekto sa IQ ng ipinagbubuntis. Kaya bilang bahagi ng Goiter Awareness Week noong nakaraang linggo... nakiisa ang GMA Kapuso Foundation sa pa-libreng goiter screening sa pang-10 probinsya sa bansa kung saan laganap ang iodine deficiency -- ang South Cotabato. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng baha sa Nabunturan, Monkayo, at Pantukan, Davao de Oro | 24 Oras

Jan 27, 2024
GMA Kapuso Foundation

Tuloy tuloy ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao de Oro. Sa ngayon, umabot na sa 6,000 indibidwal ang ating natulungan sa tatlong bayan sa probinsya. Read more


Mahigit 1,000 taga-Nabunturan, Davao de Oro na apektado ng pagbaha, nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 24, 2024
GMA Kapuso Foundation

 Sa bayan ng Nabunturan sa Davao de Oro naman nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para hatiran ng tulong ang mga Kapusong apektado ng pagbaha. Doon nakilala namin ang mga magulang na walang takot na hinarap ang baha mailigtas lang ang mga anak at apo. Read more


GMA Kapuso Foundation, magbibigay ng pustiso sa dalawang beautician sa Marikina

Jan 23, 2024
GMA Kapuso Foundation

Kabilang sa mga bibigyan ng pustiso ng GMA Kapuso Foundation ang dalawang beautician sa Marikina. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga binaha sa Davao de Oro

Jan 23, 2024
GMA Kapuso Foundation

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng pagbaha at landslides sa Davao de Oro. Read more


Mga naapektuhan ng baha at landslide sa Pantukan, Davao de Oro, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 22, 2024
GMA Kapuso Foundation

Ilang pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao de Oro at Davao del Norte. Para maibsan ang kanilang kalbaryo, agad silang pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation. Sa Pantukan sa Davao de Oro, mahigit 1,000 ang nahatiran ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan.   Read more


GMA Kapuso Foundation, ipinasuri ang isang lalaking limang taong nakakulong sa kuwarto

Jan 20, 2024
GMA Kapuso Foundation

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking limang taon nang nakakulong sa kuwarto dahil sa problema sa pag-iisip. Read more


Batang nasunog ang lalamunan, nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

Jan 20, 2024
GMA Kapuso Foundation

Nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata sa Sorsogon na nasunog ang lalamunan. Read more


GMA Kapuso Foundation, ipinasuri ang isang barker na may cerebral palsy

Jan 20, 2024
GMA Kapuso Foundation

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang jeepney barker na may cerebral palsy. Read more


2 Beautician, kabilang sa mga bibigyan ng pustiso ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 19, 2024
GMA Kapuso Foundation

 Good vibes ang hatid ng dalawang beautician na aming nakilala mula sa Marikina City. Mas gusto pa sana nilang ngumiti pa pero napipigilan ng problemang nakakabawas daw ng kumpiyansa sa sarili. Tutugunan po 'yan ng "Ngiting Kapuso" Project ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Barker na may cerebral palsy, ipinacheck-up ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 17, 2024
GMA Kapuso Foundation

Hindi pa rin tayo nauubusan ng mga inspirasyong magpapatunay na hindi hadlang ang kapansanan para maitaguyod ang sarili o pamilya. Ang isang may cerebral palsy pero tuloy ang pagiging barker ng jeepney, ipinacheck-up ng GMA Kapuso Foundation. Read more

advertisement


60,000 bata, niregaluhan sa Christmas "Give-A-Gift" Project ng GMA Kapuso Foundation noong 2023 | 24 Oras

Jan 15, 2024
GMA Kapuso Foundation

Iba't ibang kwento ng inspirasyon at dedikasyon ang nasaksihan natin sa "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy" Christmas Project ng GMA Kapuso Foundation. At dahil sa ating pagtutulungan, 60,000 mag-aaral sa 15 probinsya ang ating naregaluhan. Read more


Bata sa Sorsogon, nasunog ang lalamunan matapos aksidenteng maka-inom ng lye water; idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 12, 2024
GMA Kapuso Foundation

Paalala po sa mga magulang, siguraduhing ilagay sa mga lugar na hindi naaabot ng mga bata o 'di kaya ay lagyan ng label ang mga sangkap sa pagluluto na delikado 'pag direktang mainom o makain. Sa Sorsogon kasi may isang batang nasunog ang lalamunan matapos mainom ang isang sangkap sa paggawa ng kakanin. Kung anong sangkap yan, ating alamin. Read more


Lalaking ikinulong sa kwarto ng pamilya, idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 10, 2024
GMA Kapuso Foundation

Sa loob ng apat na sulok ng silid, umiikot ang buhay ng isang binata sa loob ng limang taon dahil sa kaniyang kondisyon. May pag-asa kaya siyang makalaya sa kinakaharap na kondisyon? Read more


Batang may kamay at braso sa likuran, humihingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

Jan 9, 2024
GMA Kapuso Foundation

Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na may kamay at braso sa kanyang likuran. Read more


20,450 na mag-aaral sa Mindanao, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 5, 2024
GMA Kapuso Foundation

Nasubok ang katatagan ng ating mga kababayan sa Mindanao matapos ang malawakang lindol nito lang 2023. Para maibsan ang kanilang kalbaryo, bukod sa mga food packs, handog din ng GMA Kapuso Foundation ang mga regalo. Read more