GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Bata sa Sorsogon, nasunog ang lalamunan matapos aksidenteng maka-inom ng lye water; idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 12, 2024
GMA Kapuso Foundation

Paalala po sa mga magulang, siguraduhing ilagay sa mga lugar na hindi naaabot ng mga bata o 'di kaya ay lagyan ng label ang mga sangkap sa pagluluto na delikado 'pag direktang mainom o makain. Sa Sorsogon kasi may isang batang nasunog ang lalamunan matapos mainom ang isang sangkap sa paggawa ng kakanin. Kung anong sangkap yan, ating alamin. Read more


Lalaking ikinulong sa kwarto ng pamilya, idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 10, 2024
GMA Kapuso Foundation

Sa loob ng apat na sulok ng silid, umiikot ang buhay ng isang binata sa loob ng limang taon dahil sa kaniyang kondisyon. May pag-asa kaya siyang makalaya sa kinakaharap na kondisyon? Read more


Batang may kamay at braso sa likuran, humihingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

Jan 9, 2024
GMA Kapuso Foundation

Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na may kamay at braso sa kanyang likuran. Read more


20,450 na mag-aaral sa Mindanao, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 5, 2024
GMA Kapuso Foundation

Nasubok ang katatagan ng ating mga kababayan sa Mindanao matapos ang malawakang lindol nito lang 2023. Para maibsan ang kanilang kalbaryo, bukod sa mga food packs, handog din ng GMA Kapuso Foundation ang mga regalo. Read more


24,024 na mag-aaral sa Luzon, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 4, 2024
GMA Kapuso Foundation

 Humarap man tayo sa iba't ibang pagsubok noong 2023, sama-sama pa rin tayong nakabangon dahil sa bayanihan ng ating mga Kapuso. Nagpapasalamat kami sa lahat ng partners, donors at sponsors na nakiisa sa iba't ibang proyekto ng GMA Kapuso Foundation. Kabilang na ang "Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy Project" na tumulong sa mahigit 20,000 mag-aaral sa Luzon. Read more


Balik-tanaw sa buong taong pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga nangangailangan | 24 Oras

Dec 29, 2023
GMA Kapuso Foundation

Ngayong taong 2023, Muli tayong humarap sa iba-ibang klase ng hamon tulad ng mga kalamidad. Pero tulad sa mga nakaraan, nanaig ang inyong pagtulong na inihatid sa mga may kailangan ng inyong GMA Kapuso Foundation. Kaya muli at hanggang 2024, maraming salamat! Read more


GMA Kapuso Foundation, pinasinayaan na ang classrooms na ipinatayo sa Kidapawan

Dec 28, 2023
GMA Kapuso Foundation

Pinasinayaan na ang dalawang classrooms na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa dalawang paaralan sa Kidapawan. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng pamasko sa mga apektado ng lindol sa Surigao del Sur

Dec 28, 2023
GMA Kapuso Foundation

Nagbigay ng pamasko ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng lindol sa Tagbina, Surigao del Sur. Read more


Mga naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 27, 2023
GMA Kapuso Foundation

 Matatapos na lang ang taong 2023, humarap pa sa matinding pagsubok ang mga taga-Surigao del Sur dahil sa pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol. Kaya may hatid na tulong ang GMA Kapuso Foundation para maibsan ang kanilang kalbaryo. Read more


Mga inang nakapiit sa Correctional Institution for Women, nakapiling ang mga anak sa tulong ng GMA Kapuso Foundation; may laruan at noche buena package din | 24 Oras

Dec 25, 2023
GMA Kapuso Foundation

Mas masaya ang pasko kapag kasama at kumpleto ang pamilya. Kaya’t ang GMA Kapuso Foundation, binigyan ng pagkakataon ang mga nanay na nakapiit para makapiling ang kanilang anak sa ilalim ng "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy Project." Talaga namang merry christmas, mga Kapuso! Sana’y puno ng pagmamahalan ang inyong tahanan ngayong kapaskuhan. Read more


Kapuso Classrooms na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Burdeos, Quezon, pinasinayaan na | 24 Oras

Dec 22, 2023
GMA Kapuso Foundation

Noong nakaraang Nobyembre, nasaksihan natin ang hirap ng mga mag-aaral sa Burdeos, Quezon dahil sa sira-sirang paaralan. Sa tulong ng ating donors, partners at volunteers, masayang magpapasko ang mga mag-aaral. Dahil nitong nakaraang Miyerkules, napasinayaan na ng GMA Kapuso Foundation ang mas pinatibay na Kapuso Classrooms. Read more


Babaeng may napakalaking tiyan dahil sa myoma natulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 20, 2023
GMA Kapuso Foundation

Isa sa mga kwentong tumatak sa aking puso ay ang istorya ni Berna mula sa Polillo Island. Taong 2006 nang siya ay makilala nG GMA Kapuso Foundation habang hirap sa malaki niyang tiyan kahit hindi buntis. at nang siya'y ating ipagamot, wala pang isang oras na operasyon ang tumuldok sa kanyang pasanin. Makalipas ang 17 taon, muli nating binisita si Berna. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakapag-abot ng tulong sa 4,000 apektado ng lindol sa Surigao del Sur

Dec 19, 2023
GMA Kapuso Foundation

Nakapag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 4,000 indibidwal na apektado ng lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur. Read more


Kapuso classrooms na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Kidapawan, pinasinayaan na | 24 Oras

Dec 18, 2023
GMA Kapuso Foundation

Sa kabila ng kawalan ng maayos na eskwelahan, punong-puno pa rin ng pangarap ang mga mag-aaral na Manobo sa Kidapawan. Sa tulong ng ating partners, donors at volunteers mawawakasan na ang kalbaryo ng mga bata. Dahil ngayong pasko, handog namin ang mga bago at matibay na Kapuso classrooms. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol sa Surigao del Sur

Dec 13, 2023
GMA Kapuso Foundation

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur. Read more

advertisement


4,000 na naapektuhan ng lindol sa Hinatuan, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 12, 2023
GMA Kapuso Foundation

Hindi pa rin nakakabangon ang ilang naapektuhan ng Magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao. Sa gitna niyan, tuloy tuloy pa rin ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa kanila. Gaya sa Hinatuan, Surigao del Sur -- kung saan mahigit 4,000 na ang ating natulungan.   Read more


Mahigit 3,000 naapektuhan ng lindol sa Hinatuan, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 11, 2023
GMA Kapuso Foundation

Dahil sa lindol, wala pa ring masisilungan ang ilang residente sa Hinatuan, Surigao del Sur. Ngayong nalalapit na kapaskuhan, sila ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng "Operation Bayanihan." Read more


GMA Network Chairman & CEO Atty. Felipe Gozon, may feeding program sa Guimaras at Kalinga para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan | 24 Oras

Dec 8, 2023
GMA Network

Noon pa man, nasa puso na ng CEO at Chairman ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon ang pagtulong sa kapwa. Sa tuwing may kalamidad, suportado niya ang agad na feeding program ng GMA Kapuso Foundation sa mga apektadong lugar. At ngayong kaarawan niya, tuloy-tuloy ang kanyang pag-share ng blessings sa pamamagitan ng pagpapasaya naman sa mga bata sa Guimaras Island at Kalinga. Read more


4,000 na bata sa Albay, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 6, 2023
GMA Kapuso Foundation

 Kuwento ng katatagan sa gitna ng sakuna ang namayani sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon. Kabilang sa kanila ang isang ginang na tuloy ang pagkayod kahit may takot. Sa pagpapatuloy ng "Give-a-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project" ng GMA Kapuso Foundation, kabilang ang kanyang anak sa mga batang hinatiran natin ng regalo. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga mangingisdang apektado ng lindol

Dec 6, 2023
GMA Kapuso Foundation

Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga mangingisda sa Sarangani na apektado ng lindol. Read more