Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

900 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Maring sa Luna, La Union ang inabutan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Sa paghagupit ng Bagyong Maring, maraming lugar sa Norte ang nalubog sa baha kabilang ang bayan ng Luna sa La Union. Bukod sa mga nasirang tahanan at nawalang kabuhayan, isa rin sa mga naging problema ng marami nating kababayan ang pagkukunan ng makakain. Kaya naman agad nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong, pati sa iba pang bahagi ng bansa na naapektuhan ng bagyo. Read more

1,780 indibidwal na nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Nasa gitna na nga ng pandemya, napuruhan pa ng hagupit ng bagyo. 'Yan ang doble-dagok na iniinda ngayon ng marami nating kababayan sa Northern Luzon. Sa agaran nating pag-aksyon, daan-daang nasalanta ang nahatiran ng tulong sa ating "Operation Bayanihan." Read more

Mahigit 1,000 estudyante sa Jiabong, Samar ang hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Hirap man sa buhay, mayaman naman sa sipag at determinasyong makapag-aral. Ganyan ang mga anak ng nakilala naming ginang sa Samar, na walang ibang hiling kundi ang mabigyan sila ng edukasyon at magandang kinabukasan. Ito naman ang binibigyan natin ng katuparan sa patuloy na pagsulong ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project. Read more

Bukod sa pagututuro ng tamang pagsisipilyo, nagbigay din ng libreng fluoride varnish ang GMA Kapuso Foundation para sa 400 bata sa Bulacan. Read more

Sa pakikipag-laban natin sa COVID-19, napakahalaga ng kalinisan sa katawan, lalo na ng mga bata. Kaya ang GMA Kapuso Foundation nagtungo sa Norzagaray, Bulacan para magsagawa ng "Linis Lusog Kapusong Kabataan Project." Ginagawa natin ito dalawang beses kada taon. Dito nagturo tayo ng tamang personal hygiene at namigay ng food packs, vitamins at hygiene kits. Read more

Noong 2017 ay pinaoperahan ng GMA Kapuso Foundation si Ryzza, isang batang taga-Samar na may malaking bukol sa kanyang pisngi. Read more

Mga Kapuso, naaalala n'yo pa ba ang kuwento ni Ryzza Mae Dacutanan, ang batang taga-Jiabong, Samar, na nakilala at itinampok natin noong 2017? Sa murang edad, hirap siyang makakain at hindi maigalaw ang ulo dahil sa malaking bukol sa kanang pisngi. Matagumpay natin siyang napaopera... at makalipas ang apat na taon, muli natin siyang binisita. Read more

Mahigit 800 na mga-aaral sa Catanduanes ang hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Masakit para sa isang magulang na hindi maibigay ang kailangan ng anak para sa eskuwela. Gaya ng dalawang inang aming nakilala sa Catanduanes, kaya laking pasalamat nila nang namahagi tayo ng mga school supplies sa kanilang lugar. Bahagi pa rin ito ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project." Read more

Bilang pagpupugay sa kasundaluhan, nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga sundalong tinamaan ng COVID-19. Read more

Ang hangarin nating makatulong, hindi madaling maisasakatuparan kung wala ang suporta ng ating mga sundalo. Sa mahabang panahon, katuwang na ng GMA Kapuso Foundation ang Philippine Army sa iba't ibang proyekto. Ngayon, sila naman ang hinatiran natin ng tulong bilang pagsaludo sa buong-pusong paglilingkod sa bayan. Read more

Tatlong pampublikong ospital sa Bulacan ang hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more
advertisement

Ang hirap ng pagiging isang healthcare worker, lalo pang bumigat para sa isang nurse sa Bulacan nang siya mismo at kanyang mga kaanak ang tamaan ng COVID-19. Pero imbes na sumuko, muli siyang bumalik sa trabaho para ipagpatuloy ang serbisyo. Bilang suporta sa mga kagaya niyang medical frontliner, handog natin ang protective supplies para labanan natin ang COVID-19. Read more

4,100 mag-aaral sa Quezon City at Caloocan ang hinandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Masakit para sa isang magulang na hindi maibigay lahat ang mga pangangailangan ng anak sa eskuwela dahil na rin sa hirap ng buhay. Gaya ng mga magulang na aming nakilala na sa kabila ng hirap, ginagabayan pa rin nila ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Para mabawasan na ang kanilang alalahanin, kasama sila sa mga nahandugan natin ng kumpletong gamit pang eskuwela sa ilalim ng "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project." Read more

Naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa apat na pambulikong ospital sa Pampanga. Read more

Wala nang mas lulungkot pa para sa isang ina na iwan ang wala pang isang buwang gulang na anak. Gaya ng isang nanay sa ANgeles, Pampanga. Siya at ang kaniyang mister kasi tinamaan ng COVID-19. Ang umaalalay sa kanila ang mga healthcare worker, kaya ganun na lamang ang kanilang pasasalamat. Kaya muli, hinatiran natin sila ng mga protective supplies para na rin sa kanilang kaligtasan. Read more