Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Ngayong Women's Month, katuwang sa pagbibigay halaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan ang inyong GMA Kapuso Foundation. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, partners, at donors. Dahil po sa inyo, naitaas natin ang kamalayan sa kahalagahan ng pap smear at breast examination. Read more

Malaking hamon para sa mga katutubong Hanunuo Mangyan sa Mansalay, Oriental Mindoro ang kawalan ng tulay. Napipilitan kasi silang tawirin ang mapanganib na ilog maibenta lang ang kanilang mga produkto. Sa tulong ng "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project" ng GMA Kapuso Foundation, matutuldukan na ang matagal na nilang kalbaryo Read more

Ikalawang pagkakataon para magbago. 'Yan ang hiling ng ilang nakapiit sa Correctional Institution for Women na araw-araw ipinagdarasal ang kanilang paglaya para simulan ang bagong kabanata sa kanilang buhay. Nasaksihan ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang kwento. Kaya ngayong Women's month, nagtungo tayo roon para maghatid ng libreng serbisyong medikal at iba pang mga regalo. Read more

Unang bahagi pa lang ng 2025, lumobo na ang kaso ng dengue sa bansa kahit hindi pa tag-ulan. Bilang tulong, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Kontra Dengue Project sa Cavite at blood donation drive sa Tarlac. Read more

Ngayong Fire Prevention Month kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa kampanya ng Bureau of Fire Protection upang mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng bawat isa laban sa sunog. Ang BFP naman nakasuporta rin sa ating Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project. Read more

The donation will help support GMAKF’s ongoing projects and initiatives. Read more

Nitong Lunes, ibinahagi po natin ang kwento ng isang bata na sa kanyang murang edad ay marami nang iniindang problema sa kalusugan. Sa unang pagkakataon, mapapasuri na siya sa iba't ibang mga doktor dahil sa tulong niyo sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Walang ibang hangad ang isang nanay na nakilala namin sa Bulacan, kundi mapabuti ang walong taong gulang niyang anak. Sa murang edad kasi, nakikipaglaban ang anak sa iba't ibang karamdaman tulad ng malabong mata at mahinang pandinig. Lumapit sila sa GMA Kapuso Foundation para humingi ng tulong. Read more

Nasa mga evacuation pa rin sa Agoncillo, Batangas ang ilang residenteng naapektuhan ng landslide dahil sa Bagyong Kristine noong nakaraang taon. Dagdag-pahirap sa kanila ang epekto ng Bulkang Taal kung nag-aalburoto. Kaya bukod sa food packs namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng N95 face mask sa mga evacuees at responders. Read more

Paalala po ng mga espesyalista sa mga may makakapang bukol sa katawan agad 'yang ikonsulta sa doctor. Baka matulad 'yan sa bukol ng isang dumulog sa GMA Kapuso Foundation na singliit lang ng holen noon pero lumaki ngayon. Read more

Naaalala niyo ba ang magkapatid na tadtad ng bukol hanggang mukha na itinampok namin noong Enero? Magandang balita, dahil matapos silang ipasuri ng GMA Kapuso Foundation ay inumpisahan na ang operasyon sa kanila. Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF), the socio-civic arm of GMA Network, successfully held the first leg of its biannual "Sagip Dugtong Buhay Project" on February 15, collecting a total of 1,907 blood bags through its generous donors and supporters. Read more

Mula 1996 nang simulan natin ang "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project" umabot na sa mahigit 215,000 ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation na nangailangan ng dugo, ayon sa Philipine Red Cross. Kabilang diyan ang mga may dengue na dumarami ngayon sa ilang lugar sa bansa. Kaya naman taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng bayaning Kapuso na nag-alay ng kanilang dugo nitong Sabado. Read more

Ngayong love month, hindi lang kilig ang puwedeng magpagaan sa ating mga puso! Malaking benepisyo rin sa ating kalusugan ang pagdo-donate ng dugo lalo't nakakatulong ka pa sa iba. Sa bawat blood bag kasi, masasagip ang buhay ng mga pasyenteng may cancer, mga naoperahan, mga nanganganak at mga may leukemia. Read more

Hindi lamang parte ng isang magandang ngiti ang ating mga ngipin. Malaki rin ang papel nito sa kabuuan ng ating kalusugan. Kaya ngayong "Oral Health Month," handog ng ngiting Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation ang libreng pustiso sa 100 katao. Read more
advertisement

Tuwing ika-apat na linggo ng Enero, ginugunita ang "Goiter Awareness Week" upang bigyang-pansin ang halaga ng maagang pag-detect sa sakit na 'yan, gayundin ang wastong pagkain at nutrisyon ang GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng libreng screening at may mga papa-operahan din. Read more
Kapos sa kita kaya hindi makapagpatingin sa espesyalista ang ilan nating kababayan na may iniindang bukol sa katawan. Ang ilan nga sa kanila higit sampung taon nang pinapahirapan nito. Tinugunan ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bukol Project ang kanilang problema. YT link: https://youtu.be/n75tvKb7uds Read more

Ang bawat kwento na natunghayan natin sa "Give-a-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project", sumasalamin sa katatagan ng mga mag-aaral sa gitna ng kalamidad. Kahanga-hanga ang kanilang pagpupursige para makapagtapos at dahil po sa ating pagtutulungan, naipadama natin sa kanila ang diwa ng pagbibigayan noong kapaskuhan. Read more

Mga Kapuso, pasintabi po sa mga naghahapunan, maselan ang aming itatampok. Nakilala ng GMA Kapuso Foundation ang magkapatid na pinapahirapan ng karamdaman dahil sa maliliit na bukol na lumitaw sa kanilang katawan. Ano kaya ang kanilang kondisyon at magagamot pa ba ito? Read more

Malaking hamon pa rin sa bansa ang mataas na kaso ng tuberculosis at iba pang sakit sa baga lalo't marami ang takot sa inaakalaang gastos sa gamutan. Paalala ng Department of Health may mga libreng gamutan sa mga health center. Read more