advertisement
April 21, 2023, 9:00 pm Friday
#HeartsOnIce #Highlights: Grabe sa sobrang sweet, nilalanggam na rin kami dito!…
April 21, 2023, 9:00 pm Friday
#KapusoRewind: Sana lahat ng kaibigan ganito, para less 'yung lungkot ko!
Watch FULL…
April 21, 2023, 8:53 pm Friday
#MgaLihimNiUrduja #Highlights: OMG!!! Buhay pa si Crystal!!!
#UrdujaEp39
April 21, 2023, 8:45 pm Friday
Kumusta kaya ang preparations nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara para sa kanilang first-ever primetime…
April 21, 2023, 8:35 pm Friday
#MgaLihimNiUrduja #Highlights: Si Valencia pala ay descendant ni Khatun Khublun! ????…
April 21, 2023, 8:30 pm Friday
Get ready Pilipinas and let your voice be heard! The world's biggest and most iconic…
April 21, 2023, 8:30 pm Friday
https://t.co/gEqPjK1wg4
April 21, 2023, 8:20 pm Friday
RT @Engr_fulgar: Ang Ganda ng #unravel . Nakangiti lang Ako the…
April 21, 2023, 8:20 pm Friday
RT @themimsyselkie: Got to really listen to Rewrite The Stars....and this duet...reminds me....of…
April 21, 2023, 8:15 pm Friday
Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang mga proyekto sa show business, may plano nga…
April 21, 2023, 8:00 pm Friday
The leading broadcast network in the Philippines, GMA-7, is a treasure trove of incredible actors…
April 21, 2023, 8:00 pm Friday
https://t.co/Zz1xgFEavu
April 21, 2023, 7:58 pm Friday
#EatBulaga #highlights: Ang team ng elementary students na sina Princess at…
April 21, 2023, 7:45 pm Friday
Director Mark Reyes sa pag-feature ng #VoltesVLegacy: The Cinematic Experience' sa isang tren…
April 21, 2023, 7:44 pm Friday
Ufuk bey çok iyi bir flood haz?rlam??. Ali Koç'un taraftar? nas?l kand?rd???n? tek tek
April 21, 2023, 7:30 pm Friday
Filipinos always take pride in the exceptional talent and skills of other Pinoys. Hence, the…
April 21, 2023, 7:15 pm Friday
#HOITheMessage: Ponggay (Ashley Ortega) is unsure about her feelings for Enzo because he…
April 21, 2023, 7:11 pm Friday
https://t.co/0GXDsL9SUA
April 21, 2023, 7:00 pm Friday
Our #BubbleGang girls are taking advantage of their free time to visit exceptional…
April 21, 2023, 7:00 pm Friday
Isa siya sa iniidolo at hinahangaang Kapuso actress ngayon. Pero gaano nga ba natin kakilala…
May 5, 2021, 12:30 am Wednesday
Na-hulicam ang pamamaril ng dalawang gunmen sa isang lalaki sa Malolos, Bulacan.
Ang biktima, nakailag…
May 5, 2021, 12:20 am Wednesday
Na-hack umano ang mahigit 300,000 dokumento mula sa Office of the Solicitor General, ayon sa…
May 5, 2021, 12:05 am Wednesday
BIRTHDAY A LA "FIRST YAYA"
Inspired ng paborito niyang Kapuso series na "First Yaya" ang…
May 5, 2021, 12:00 am Wednesday
Imbes na sa amang may sakit, sa scammer napunta ang nalikom na donasyong P15,000 ng…
May 4, 2021, 11:09 pm Tuesday
Hindi hadlang ang kapansanan sa layuning karapat-dapat na ipaglaban.
Ito ang pinatunayan ng isang polio…
May 4, 2021, 10:21 pm Tuesday
Grand estafa o huwad na pangako ang itinawag ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio…
May 4, 2021, 9:57 pm Tuesday
"Paano nga ba magpa-rehistro?????"
It's easy as 1-2-3! ?? #RehiStrongTayo
May 4, 2021, 9:55 pm Tuesday
"Paano nga ba magpa-rehistro?????"
It's easy as 1-2-3! ?? #RehiStrongTayo
May 4, 2021, 9:51 pm Tuesday
Nagpabakuna na ng Sinopharm vaccine si Pangulong Duterte.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque ang…
May 4, 2021, 9:50 pm Tuesday
PARALISADONG MISTER NA IPINAGPALIT NG KANYANG MISIS, MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MGA ANAK!
Na-stroke, naging paralisado…
May 4, 2021, 9:10 pm Tuesday
Imbes na sa amang may sakit, sa scammer napunta ang nalikom na donasyong P15,000 ng…
May 4, 2021, 9:00 pm Tuesday
Nanay ka bang madalas mag-hysterical sa kakukulit na mga junakis? Makakarelate ka sa chika ni…
May 4, 2021, 8:53 pm Tuesday
PARALISADONG MISTER NA IPINAGPALIT NG KANYANG MISIS, MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MGA ANAK!
Na-stroke, naging paralisado…
May 4, 2021, 8:00 pm Tuesday
BREAKING NEWS: President Glenn Acosta, nahulog na ang loob kay Yaya Melody! Matatanggap ba ito…
May 4, 2021, 7:37 pm Tuesday
"Papunta ka pa lang, pabalik na ako!" ????
Ano ang iconic lines ng nanay mo?…
May 4, 2021, 7:06 pm Tuesday
'yung kahit araw-araw mo ulamin solb na! ????
May 4, 2021, 7:00 pm Tuesday
May we have your attention, Kapuso abroad?
Let's take a look at the programs and…
May 4, 2021, 6:40 pm Tuesday
Na-hulicam ang pamamaril ng dalawang gunmen sa isang lalaki sa Malolos, Bulacan.
Ang biktima, nakailag…
May 4, 2021, 6:28 pm Tuesday
GMA NEWS 24 ORAS LIVESTREAM | MAY 4, 2021
Panoorin ang mas pinalakas na 24…
May 4, 2021, 6:28 pm Tuesday
GMA NEWS 24 ORAS LIVESTREAM | MAY 4, 2021
Panoorin ang mas pinalakas na 24…
advertisement

Hindi pa man tuluyang nakakabangon mula sa hagupit ng Bagyong Ulysses noong 2020 ang mga taga-Dingalan sa Aurora, heto't isang pagsubok na naman ang kanilang kinakaharap matapos manalasa ang Super Typhoon Karding nitong linggo. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation, agad nagsagawa ng 'Operation Bayanihan' para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo sa Aurora. Read more

Matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan kagabi na dulot ng bagyong Karding, agad pong namahagi ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. Samantala, ang ilang team naman ng GMA Kapuso Foundation ay nakatakda pong magtungo sa mga lugar na sinalanta pa rin ng bagyo. Read more

Taong 2019, nakilala ng GMA Kapuso Foundation ang noo'y 4 taong gulang na si Jacob, ang batang pinahirapan ng malaking bukol sa kanyang leeg. Pero ang dating mabigat na dinadala, ngayo'y napalitan na ng bagong pag-asa. Muli natin siyang kinumusta at binisita sa kanilang tirahan sa Meycauayan, Bulacan. Read more

Maraming nawalan ng hanapbuhay matapos manalasa ng bagyong Odette sa bansa. Kaya't kahit na peligroso, ang amang nakilala namin sa San Ricardo sa Southern Leyte, handang sisirin ang ilalim ng dagat, makakuha lang ng konting ginto. Hindi naanod ang pangarap niya para sa pamilya, dahil para sa kanya higit pa sa ginto ang makitang makapagtapos ang kanyang mga anak. Read more

Sa edad na 59, Patuloy na kumakayod ang isang ama na aming nakilala kahit pa may iniindang problema sa paningin para lang may maibigay sa pamilya. Ang sakit niyang 'ptyregium,' kung hindi magagamot maaaring magdulot ng peligro sa kaniyang paghahanapbuhay sa kalsada. Sabi pa ng kanyang doktor, wala rin daw katotohanan na nakukuha ito sa pagsi-swimming lalo kung madumi ang tubig. Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, naipasuri natin sya sa unang pagkakataon. Read more

Ilang buwan na lang ay magagamit na ng mga taga-Sogod, Southern Leyte, ang ipinapatayong 'Kapuso Tulay para sa Kaunlaran' na inumpisahan nito lang Agosto. Katuwang ang ating volunteers, sinimulan na ang paggawa ng pundasyon nito. Read more

Matapos padapain ng pandemya at kalamidad unti-unti nang nanunumbalik ang sigla ng turismo sa mala-paraisong isla ng Siargao. Balik-eskuwela na rin ang ilang kabataan na tuluy-tuloy ang pag-abot sa kanilang mga pangarap. Bilang tulong at suporta, hatid ng GMA Kapuso Foundation ang kumpletong school supplies sa mahigit 2,000 mag-aaral. Read more

Nitong Lunes, natunghayan natin ang kuwento ni Shane, ang dalagang iniinda ang lumalaking bukol sa kanyang anit. Agad namang tumugon ang GMA Kapuso Foundation sa hiling ng kanyang kapatid na maipatingin siya sa doktor. Matagumpay nating naipasuri at naipatanggal ang bukol. Read more

Naputulan man ng braso, hindi tumigil sa pagbabanat ng buto ang tinderong nakilala natin mula sa lalawigan ng Quezon. Isa siya sa mga nabigyan ng libreng arm and hand prosthesis ng GMA Kapuso Foundation. Bukod pa 'yan sa ipinamahagi rin nating strollers, pediatric, at standard wheelchairs sa ilan pa nating Kapuso sa lungsod naman ng Dumaguete. Read more

Hunyo ngayong taon nang magtungo ang GMA Kapuso Foundation sa Limawasa Island para umpisahan ang pagpapagawa ng ilang silid-aralan na sinalanta ng bagyo. Makalipas ang mahigit dalawang buwan, matagumpay nating naipatayo ang matitibay na "Kapuso Classrooms", na sakto naman para sa pagbabalik ng face to face classes! Hindi po ito maisasakatuparan kung hindi dahil sa inyong mga donasyon at sa pagtutulungan ng ating mga sponsors , donors at partners. Read more

Ang sakit na diabetes, posibleng magdulot ng ilang komplikasyon gaya ng panlalabo ng mga mata na kung hindi maagapan ay maaaring mauwi sa pagkabulag. 'Yan ang isa sa mga gusto nating maagapan at bigyang-pansin ngayong 'Sight Saving Month.' Kaya sa tulong ng ating partners, handog ng GMA Kapuso Foundation ang libreng screening sa mga taga-Cabanatuan City, para masigurong ligtas ang kondisyon ng kanilang mga mata. Read more

Malaking dagok para sa maraming taga-Cagayan ang pinsalang iniwan ng Bagyong Florita. Ang mga taniman ng mais at palay kasi na isa sa mga pangunahin nilang pinagkukunan ng kabuhayan, pinadapa ng bagyo at ngayo'y hindi na mapakinabangan. Kaya sa pagpapatuloy ng ating operation bayanihan, libu-libo ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Batid ng GMA Kapuso Foundation na tuwing may dumaraan na bagyo o anumang kalamidad sa ating bansa, pagkain ang pangunahing kailangan ng ating mga kababayan. Gaya na lamang sa Maconacon, Isabela, kung saan unang nag-landfall ang Bagyong Florita. Kaya naman, kahit pa kasagsagan ng pag-ulan agad po tayong nagtungo doon para maghatid ng relief goods sa higit 1,000 residenteng naapektuhan. Read more

Isa sa mga nasira nang humagupit ang Bagyong Odette noong nakaraang taon ay mga eskwelahan sa Surigao del Norte. At hanggang ngayon na nagsimula na ang klase, wala pa ring maayos na silid-aralan ang mga batang Siargaonon. Pero dahil po sa tulong ng ating mga donors at sponsors, ang GMA Kapuso Foundation ay magtatayo ng mga matitibay na silid-aralan doon. Read more

Sa pagpapatuloy ng unang hakbang sa kinabukasan project, isa sa pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ang Lanao del Norte. Kung saan higit isang libong mag-aaral sa kinder at grade one ang nahandugan ng kumpletong gamit pang eskwela. At kahit nagsimula na po ang face-to-face classes, hindi po tumitigil ang GMA Kapuso Foudation sa pag-iikot mula Luzon, Visayas at Mindanao para magbigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral na nangangailangan. Read more
advertisement

Mga Kapuso, naaalala niyo pa ba si Kim Mhira ang tinawag na miracle baby ng Tarlac? Ang sanggol na ipinanganak na premature na inilapit sa GMA Kapuso Foundation noong 2017 na atin ding tinulungan at sinubaybayan hanggang siya ay maging malakas. Ngayong limang taong gulang na siya, muli natin siyang binalikan at kinamusta. Read more

Isang binatilyo ang tinubuan ng mga kulugo at ang maselang bahagi ng kaniyang katawan tinubuan naman ng malaking bukol. At ayon sa isang espesyalista positibo siya sa HIV, at mayroon din siyang human papillomavirus o HPV infection. Dahil po sa kaniyang maselang kondisyon, minabuti naming itago ang kanyang pagkakakilanlan. Read more

Ngayong Sight Saving Month, nakikiisa po kami sa layuning mabigyang-linaw ang halaga ng "eye care" at maagapan ang anumang problema sa ating mga mata. Gaya ng panlalabo ng paningin, na nagpapahirap ngayon sa isang haligi ng tahanan na 15 taon nang binubuhay ang pamilya sa pamamasada. 'Yan ang idinulog ng kanyang anak sa GMA Kapuso Foundation na agad namang tumugon at binigyang-katuparan ang simpleng hiling para sa kanyang ama. Read more

Kung agrikultura lang ang pag-uusapan, tiyak hindi magpapahuli ang lalawigan ng Bukidnon! Pero hindi raw maikukubli niyan ang hirap na dinaranas ng ilang magsasaka roon para matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. At dahil ilang linggo na lang pasukan na, sinadya sila ng GMA Kapuso Foundation para handugan ng tulong. Read more

Hindi naging balakid ang mga aftershocks sa isinasagawang "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Northern Luzon. Gaya sa Abra, kung saan bukod sa pagkain, hatid din natin ang mga gamot sa kanilang ospital. Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nagpaabot ng tulong at makakaasa kayong patuloy natin itong maipaparating sa ating mga kababayan. Read more