advertisement
advertisement

'Di na manlalabo ang pangarap ng ilang mag-aaral na hirap sa eskwela dahil walang maayos na salamin! Kabilang sila sa mahigit isandaang hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng eye check up at salamin sa ilalim ng Kapuso 20/20 Eye Project. Read more

Bagaman hindi hadlang ang kakulangan sa gamit sa mga mag-aaral na hangad makapagtapos hindi maikakailang malaking tulong kung meron sila nito. Kaya naman para matulungan sa kanilang "Hakbang sa Kinabukasan" tuloy ang pamimigay natin ng basic school supplies. At sa taong ito, 60,000 na estudyante na ang ating nahandugan. Read more

Sa apat na sulok ng silid-aralan, hindi lang basta natututo ang mga mag-aaral kundi nahuhubog din ang kanilang mga pangarap. Kaya naman mahalaga sa GMA Kapuso Foundation na manatiling maayos ang mga classroom. Read more

Sa datos ng World Health Organization, katarata ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkabulag. Ngayong sight saving month, halos 40 may katarata ang napaoperahan natin. Kaya maraming salamat po sa ating partners, sponsors, donors at volunteer doctors. Read more

Pinapahirapan man ng katarata, nanatiling maliwanag ang pangarap ng isang mangingisda para sa mga anak na kahit bata pa ay may katarata rin. Bilang pakikiisa sa Sight Saving Month ngayong Agosto, nagsagawa tayo ng cataract screening para sa libreng operasyon ng mga Kapuso nating may problema sa mata. Read more

Dahil po sa umaapaw na suporta ng mga Bayaning Kapuso, nakalikom tayo ng 1,452 blood bags nitong Biyernes sa ating "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project." Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Napasaya ninyo ang aking kaarawan dahil malaking tulong po ang bawat blood bag sa mga nangangailangan. Read more

Bilang pagdiriwang sa aking nalalapit na kaarawan isinagawa ngayong araw ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation. Masaya kong ibinabalita na as of 6:50PM, umabot na sa 1,278 blood bags ang ating nakolekta. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, pati na rin sa aming sponsors, donors, partners, volunteers at performers. Dahil sa inyong kabutihang-loob, marami pa tayong buhay na maliligtas. Read more

Ang bawat donasyong dugo ay mahalaga, dahil buhay ang katumbas nito para sa iba. Sa isang bag ng dugo, maaari kang makaligtas ng hanggang 3 buhay. Kaya taon-taon, patuloy na isinasagawa ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project upang makatulong sa mga nangangailangan. Read more

Sa loob ng 11-araw, sinikap ng GMA Kapuso Foundation na marating ang mga lugar na matinding nasalanta ng mga nagdaang bagyo at habagat. Naging posible 'yan dahil sa inyo at sa mga donors, sponsors, partners, volunteers at kapuso artists na naging kaagapay natin sa Operation Bayanihan. Mahigit 80,000 indibidwal ang natulungan. Read more

Dahil sa hirap ng buhay na pinalala pa ng hagupit noon ng Bagyong Kristine pati mga dagang bukid ay inuulam na ng ilang taga Camarines Sur. Dumami ang mga bata roon na kulang sa nutrisyon. Sila ang bibigyang-pansin ng give-a-gift, feed-a-child project ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Isa ang probinsya ng Pangasinan sa matinding pinadapa nang manalasa ang Bagyong Emong sa bansa. Marami sa mga residente, 'di alam kung paanong babangon. Read more

Sinuong ng GMA Kapuso Foundation ang mga baha para makapaghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta sa Zambales at Pampanga. Tuloy-tuloy rin ang relief operations sa iba pang lugar sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more

Sa gitna ng mg pagbaha tuloy-tuloy ang isinasagawang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Hinatiran naman natin ng tulong ang mga taga-Barangay Wawa sa Balagtas, Bulacan at mga taga-San Mateo, Rizal. Read more

Labis na nagpahirap ang matinding pagbaha sa Metro Manila dulot ng ulang dala ng Habagat. Kabilang sa mga naapektuhan ang ilang taga-Valenzuela at Quezon City. Kaya agad na kumilos ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong. Read more

Taong 2010 nang una kong makilala ang mga mag-aaral sa Matagbak Elementary School na matinding napinsala ng Bagyong Ondoy noong 2009. Ipinaayos natin ang kanilang mga classroom na naging tulay sa pag-abot ng pangarap ng ilang batch ng mga estudyante. Pero muling sinubok ng mga bagyo ang paaralan. Kaya muli tayong naghandog ng maayos at matibay na masisilungan ng mga bago nilang mag-aaral. Read more
advertisement

Kahit hirap nang maglakad, nanatiling matayog ang pangarap ng isang mag-aaral na nakilala namin sa Samar. Bilang pakikiisa sa national disability prevention and rehabilitation week, handog ng GMA Kapuso Foundation sa kanya at iba pang PWD roon ang mga wheelchair o saklay. Read more

Tila nanumbalik ang takot ng mga taga-Pililla, Rizal sa Bagyong Ondoy nang magkasunod na nanalasa ang Bagyong Carina at Enteng noong nakaraang taon. Hindi nakaligtas sa bagsik ng mga bagyo ang ating Kapuso Classrooms. Kaya bilang tulong sa mga mag-aaral, ipinaayos natin ang pitong silid-aralan sa Virgilio Melendres Memorial Elementary School. Read more

Iba't ibang mukha ng pagsusumikap na ang naitampok natin dito sa Kapusong Totoo. Kabilang sa kanila ang ilang patuloy pa ring bumabangon sa kabila ng kapansanan. Kaya ngayong "National Disability and Rehabilitation Week," ilan sa kanila ang hinandugan natin ng wheelchair at saklay. Read more

Hindi hadlang ang kahirapan sa matatayog na pangarap ng mga kabataang aming nakilala sa Capiz at Negros Occidental. Kulang man sa gamit, nananatili silang pursigido sa pag-aaral. Kaya bilang suporta, hinatiran sila ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Dahil sa kawalan ng tulay, nanganganib ang mga tumatawid sa isang rumaragasang ilog sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal. Kaya para may ligtas na daanan ang mahigit apat na libong residente roon ipagpapatayo sila ng bago at matibay na Kapuso tulay ng GMA Kapuso Foundation! Read more