Kapuso Foundation's Operation Bayanihan
November 11 2013
Sa mga gustong mag-abot ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda, narito ang mga detalye ng Operation Bayanihan ng Kapuso Foundation.advertisement
advertisement

Sa lawak ng mga nasirang istruktura at binaha sa Cebu dahil sa Bagyong Tino, marami pa ring residente ang 'di pa lubos nakakabangon matapos mawalan ng tirahan at hanapbuhay. Kaya tuloy ang pagtulong natin sa probinsya. Sa ikalawang bugso ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, nagtungo naman tayo sa Liloan at Mandaue. Read more

Sa iba’t ibang kalamidad na dumaan sa bansa, ilang beses na ring napatunayan ang tibay ng mga school building na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation. Gaya na lang sa Aurora na nagsisilbi ring evacuation center tuwing bumabagyo. Nagpatayo na rin tayo ng ganyan sa Camarines Sur. Read more

Puno ng puso ang ating pasko dahil sa umaapaw na suporta ng shoppers sa ating taunang Noel Bazaar. Nakapag-shopping na, makakatulong pa ang mga namili sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation... kabilang ang "Unang Hakbang sa Kinabukasan," "Kapuso School Development" at "Kapuso Cancer Champions." sa mga hindi pa nakukumpleto ang christmas shopping list, puwede pa po kayong humabol ngayong weekend sa World Trade Center. Pwede na ring mapasainyo ang pre-loved items ng Sparkle artists sa "Celebrity Ukay-Ukay." Read more

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manalasa ang Super Typhoon Uwan sa Aurora pero bakas pa rin hanggang ngayon, ang tindi ng pinsala nito roon. Habang unti-unting bumabangon ang mga roon ay nakaagapay naman ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Mga Kapuso, sa mga magku-kumpleto palang ng kanilang panregalo ngayong Pasko nasa World Trade Center sa Pasay ang Noel Bazaar simula sa Miyerkules, November 26 to 30. Nariyan pa rin ang ating celebrity ukay-ukay kung saan pwedeng mabili ang preloved items ng ilang Kapuso celebrities and personalities. Read more

Sa kabila ng malakas na hangin at daluyong na dala ng super bagyong Uwan, nanatiling matatag ang ating ipinatayong school building sa Catanduanes. Bukod sa dito hinuhubog ang kinabukasan ng mga mag-aaral, naging silungan din ito ng ilang residente sa panahon ng kalamidad. Read more

Sa gitna ng unos na idinulot ng nagdaang Bagyong Tino, kanya-kanyang paraan ang bawat pamilyang apektado para manatiling ligtas. At hanggang ngayon, ramdam pa rin ng marami nating kababayan ang bigat ng iniwang dagok ng bagyo. Kaya’t tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso foundation sa mga nasalantang lugar. Read more

'Di pa man lubos na nakakabangon sa hagupit ng Super Typhoon Pepito noong nakaraang taon… heto’t tinamaan naman ang Catanduanes ng Super Bagyong Uwan. Kaya’t karamihan sa kanila problema ang masisilungan at mga gamit sa hanapbuhay. Agad nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa 5 bayan doon. Read more

Tuwing papalapit ang pasko lalong ramdam na ramdam ang diwa ng pagmamahal at pagbibigayan. Bakit hindi isabay 'yan sa pamimili ng regalo? Maraming mura at dekalidad sa Noel Bazaar na bubuksan sa Okada, Manila na layong tumulong sa sektor ng edukasyon. Nasa 100 merchants ang naghihintay roon at puwede ring mag-feel like a star sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga nasalanta ng Bagyong #UwanPH. Read more

Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Uwan, mabilis na kumilos ang inyong GMA Kapuso Foundation para maghatid ng agarang tulong sa mga apektado. Sa araw na ito, nakapagbigay tayo ng relief goods sa 20,000 indibidwal mula sa Cagayan, Northern Samar, at Camarines Sur sa ilalim ng ating Operation Bayanihan. Read more

Pinadapang mga bahay at apektadong kabuhayan ang naging epekto ng Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte. Problema tuloy ang pagkukunan ng pangangailangan. Kaya naman agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation Read more

Hindi pa man lubos na nakabangon mula sa pinsalang dulot ng lindol panibagong pagsubok naman ang kinakaharap ng mga kababayan natin sa Cebu matapos manalasa ang Bagyong Tino. Sa kabila ng unos handa namang umagapay ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga apektadong residente. Read more
Relief goods para sa mga binagyo sa Cebu, S. Leyte, at E. Samar, inihahanda na ng GMAKF. Read more

Mga Kapuso, parating na ang tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong #TinoPH. Read more