Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Hanggang ngayon, ramdam pa rin ng ilang pamilya sa San Miguel, Catanduanes ang bigat ng pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan. Ang iba nagtitiis pa rin sa sirang yero o trapal para may masilungan. Kabilang sila sa hinatiran ng roofing materials ng Silong Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Problema pa rin ng ilang residente sa Viga, Catanduanes ang bubong ng kanilang mga tirahan apat na buwan matapos silang hagupitin ng Super Typhoon Uwan. Kaya sa ilalim ng Silong Kapuso Project, hinandugan natin sila ng roofing materials. Ngayon, may maayos na silang masisilungan umulan man o umaraw. Read more

Mahal na gamutan at kakulangan ng budget ang madalas na dahilan kaya tinitiis ng ilan ang mga sakit at ibang dinadala -- tulad ng bukol. pero dahil sa tulong ng ating volunteer doctors, nawakasan ang paghihirap ng ilan nating kababayan na matagumpay na-operahan sa ilalim ng operation bukol project. Read more

Sakto ngayong Women's Month ang libreng papsmear, breast examination, at lecture na handog ng GMA Kapuso Foundation para sa mga kababaihan sa San Miguel, Catanduanes. Malaking tulong ito lalo't ayon sa health department, isa ang breast cancer sa nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan. Read more

Sipag at katatagan ang puhunan ng mga babaeng magsasaka at manghahabi ng abaca sa Catanduanes. Dahil puhunan din sa trabaho ang maayos na kalusugan, hatid sa kanila ng GMA Kapuso Foundation ang libreng pap smear at breast exam. Read more

Noong nakaraang taon, tinampok natin ang bibong bata na may taglay na talino at talento. Ngunit sa likod pala nito, may iniinda siyang bukol sa likod ng ulo. Makalipas ang isang taon, matagumpay siyang napaoperahan sa tulong ng ating mga volunteer doctors at partners. Sa muli nating pagbisita sa kanila, nasaksihan natin ang kaniyang malaking pagbabago at sigla. Read more

Tuwing may dumaraang bagyo sa Minalabac, Camarines Sur, isa sa matinding napupuruhan ang Malitbog Elementary School. Kaya sa ilalim ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation, nagpatayo tayo sa lugar ng bago at dekalidad na mga silid-aralan. Read more

Hindi karaniwang pagsubok ang kinakaharap ng mga batang nakikipaglaban sa cancer. Sa halip na malayang makapaglaro, tila binawi ng karamdaman ang kanilang kabataan. Layon ng Kapuso Cancer Champions ng GMA Kapuso Foundation na maghatid ng tulong at pag-asa sa mga bata at sa kanilang mga pamilya. Read more

Sa pagtatapos ng Oral Health Month, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating "Ngiting Kapuso Project." Hindi lang bagong ngiti ang ating nabigay, kundi kumpiyansa sa sarili at pag-asa na makapagtrabaho muli ang ilan nating beneficiary. Kabilang sa kanila ang isang single mother na hirap maghanap ng trabaho dahil sa pagkabungi. Read more

92.4% ng mga Pilipino ang may tooth decay o sira sa ngipin na nagreresulta sa pagkabungi, base sa datos ng Department of Health o DOH noong 2021. 78% diyan, may gum disease. Kaya ang mga kababayan natin na walang ngipin, lubhang apektado ang kumpiyansa sa sarili. Sila ang layong tulungan ng ating taunang "Ngiting Kapuso Project." Read more

Sa pagtama ng Bagyong Basyang sa Iligan City, tila bumalik daw ang bangungot ng Bagyong Sendong noong 2011. May mga nawalan pa nga ng tirahan, kaya sa ikalawang bugso ng Operation Bayanihan, nagtungo tayo roon para maghatid ng karagdagang tulong. Binalikan din natin ang Kapuso village at ang Kapuso school na ating ipinatayo noong 2012. Read more

Sa loob ng tatlong dekada, nasaksihan natin ang kuwento ng inspirasyon ng ilang bayaning Kapuso na dumadalo sa ating Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever Commonwealth. At ngayong taon, patuloy pa rin ang pakikiisa ng mga blood donor para makadugtong ng buhay. Kabilang sa ating matutulungan ang mga Kapuso cancer champion. Read more

Ang inaasahang masaganang ani ng mga magsasaka sa Camarines Norte... nauwi sa panghihinayang dahil sa epekto ng masamang panahon. 'Di napakinabangan ang mga pananim kaya malaki ang lugi. Sa ilalim ng "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation, sila naman ang ating tinulungan. Read more

Gabi ng February 5 nang mag-landfall ang Bagyong Basyang sa Surigao del Sur. Mabilis na tumaas ang baha noon na puminsala sa mga bahay at kabuhayan ng mga residente. Sila naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Nalugmok ang ilang taga-Iligan City dahil sa Bagyong Basyang na nagpabaha at umanod pa sa ilang kabahayan. Dagdag-kalbaryo rin ang pagkasira ng tulay na tinatawiran ng mga mag-aaral. Kaya nanawagan sila ng tulong para makapag-umpisa muli. Read more
advertisement

Hindi raw inasahan ng mga residente sa Iligan ang biglaang pagtaas ng baha dahil sa malakas na ulang dala ng Bagyong Basyang. Nabalot sa makapal na putik ang munisipalidad kaya’t apektado rin ang hanapbuhay ng mga taga-roon. Agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong. Read more

Ngayong buwan ng mga puso muling nanaig ang pagmamalasakit ng mga blood donor na nakiisa sa Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever, Commonwealth ng GMA Kapuso Foundation at sa nationwide bloodletting day ng GMA Regional TV. Taos puso po kaming nagpapasalamat lalo't halos 2,500 blood bags ang nalikom mula sa ating mga bayaning Kapuso. Dahil sa inyo, maraming buhay pa ang ating maliligtas! Read more

Doble ang pasanin ng isang anak sa San Pablo, Laguna nang hindi inaasahang ma-stroke ang kanyang ama noong nakaraang taon. Apektado ang pananalita at paglalakad ng kanyang tatay kaya tinulungan sila ng GMA Kapuso Foundation sa gamutan. Makalipas ang apat na buwan, kumusta na kaya ang mag-ama? Read more

78,491 bloodbag, nakolekta sa 30 taong bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross Read more

Malaking dagok para sa mga magsasaka sa Benguet ang mga masasayang na pananim dahil tinamaan ng frost o andap sa tindi ng lamig doon. Saksi ang GMA Kapuso Foundation sa sakripisyo at katatagan ng mga magsasaka anumang pagsubok ang dumating sa kanila. Kaya naman agad tayong nagtungo ng Benguet para maghatid ng tulong. Read more