Batang may langerhans cell histiocytosis, gumaling na matapos ipagamot ng GMAKF | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Taong 2016 nang personal naming makilala sa Kapuso Cancer Champions Program ng GMA Kapuso Foundation ang noo'y dalawang taong gulang lang na si Loanne. Sa murang edad, nakikipaglaban na siya sa pambihirang sakit na langerhans cell histiocytosis. Sa kabila ng matinding pagsubok, buong tapang siyang sumailalim sa gamutan at chemotheraphy. Makalipas ang siyam na taon, kumusta na kaya siya ngayon?