Rehabilitated Kapuso classrooms sa Matagbak Elem. School, magagamit na; bago ang mga upuan at may TV | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Taong 2010 nang una kong makilala ang mga mag-aaral sa Matagbak Elementary School na matinding napinsala ng Bagyong Ondoy noong 2009. Ipinaayos natin ang kanilang mga classroom na naging tulay sa pag-abot ng pangarap ng ilang batch ng mga estudyante. Pero muling sinubok ng mga bagyo ang paaralan. Kaya muli tayong naghandog ng maayos at matibay na masisilungan ng mga bago nilang mag-aaral.