Mahigit 1,000 blood bags, nalikom sa bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Bilang pagdiriwang sa aking nalalapit na kaarawan isinagawa ngayong araw ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation. Masaya kong ibinabalita na as of 6:50PM, umabot na sa 1,278 blood bags ang ating nakolekta. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, pati na rin sa aming sponsors, donors, partners, volunteers at performers. Dahil sa inyong kabutihang-loob, marami pa tayong buhay na maliligtas.