GMAKF, nagbigay ng school supplies sa 60,000 mag-aaral ngayong 2025 | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Bagaman hindi hadlang ang kakulangan sa gamit sa mga mag-aaral na hangad makapagtapos hindi maikakailang malaking tulong kung meron sila nito. Kaya naman para matulungan sa kanilang "Hakbang sa Kinabukasan" tuloy ang pamimigay natin ng basic school supplies. At sa taong ito, 60,000 na estudyante na ang ating nahandugan.