135 na may malabong paningin, binigyan ng libreng salamin ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

'Di na manlalabo ang pangarap ng ilang mag-aaral na hirap sa eskwela dahil walang maayos na salamin! Kabilang sila sa mahigit isandaang hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng eye check up at salamin sa ilalim ng Kapuso 20/20 Eye Project.