Kakalayang inmate sa Correctional Institution for Women, tinulungan ng GMAKF na makauwi at muling makapiling ang pamilya | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Sa halos tatlong dekadang pagkaka-bilanggo, hanggang sa alaala na lang nayayakap ang pamilya ng babaeng aming nakilala. At sa kanyang paglaya, isinakatuparan ng GMA Kapuso Foundation ang matagal na niyang pangarap— ang muling makapiling at mayakap ang kanyang mga mahal sa buhay.