GMAKF, nagbigay ng N95 face mask at vitamins sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Sa muling pagbuga ng abo ng Bulkang Taal nitong linggo, muling naalarma ang mga taga-Agoncillo, Batangas dahil sa ibinuga nitong asupre. Para maagapan ang posibleng epekto nito sa kalusugan, agad na namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng face masks at vitamins.