GMAKF at PRC, nakalikom ng 486 blood bags sa Bloodletting Project sa GMA at PMA | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

Wala pong bitawan ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu at Davao Oriental. Kabilang diyan ang pagkasa natin ng Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project para tugunan ang kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital sa mga lugar na nilindol. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, donors, partners, at volunteers na nakiisa sa aming proyekto.