100 katao, libreng papa-pustisuhan ng GMAKF sa ilalim ng 'Ngiting Kapuso Project' | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

92.4% ng mga Pilipino ang may tooth decay o sira sa ngipin na nagreresulta sa pagkabungi, base sa datos ng Department of Health o DOH noong 2021. 78% diyan, may gum disease. Kaya ang mga kababayan natin na walang ngipin, lubhang apektado ang kumpiyansa sa sarili. Sila ang layong tulungan ng ating taunang "Ngiting Kapuso Project."