Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

 Sa tuwing may bagyo, madalas binabaha ang Malitbog Elementary School sa Minalabac, Camarines Sur kaya nasira ang ilan nilang classroom. Pero dahil sa inyong suporta, nakapagpatayo tayo ng kauna-unahang flood-resistant Kapuso school building doon na mas pinataas ang mga poste para maging ligtas!