4,000 indibidwal kabilang ang vegetable farmers na apektado ng pagmamahal ng produktong petrolyo, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras | GMANetwork.com - Foundation - Videos

Nitong Enero, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga magsasaka sa Mt. Province na naapektuhan ng frost o andap. Makalipas ang tatlong buwan, panibagong dagok ang kanilang hinaharap dahil nagtaas ang presyo ng petrolyo, maging mga gamit sa pagsasaka. Kaya agad tayong naghatid ng tulong sa kanila.