GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng ikalawang bugso ng relief operation sa Dinagat Islands

Jan 13, 2022

Abutan man ng dilim o 'di kaya mabasa pa sa ulan, walang patid po ang pag-agapay ng GMA Kapuso Foundation sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette sa Dinagat Islands. Ilan sa ating mga nahandugan ng tulong ay mga residenteng pansamantalang sumisilong sa bodega matapos mawalan ng tirahan.   Read more


Mahigit 6,400 taga-Sipalay, Negros Occidental, nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 10, 2022

Higit 6,000 indibidwal ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Sipalay, Negros Occidental. Isa sa kanila, si tatay Narciso na hinarap ang halos 7-oras na pananalasa ng Bagyong Odette. Read more


Nasa 20,000 indibidwal sa 8 munisipalidad sa Bohol, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 6, 2022

Nagkubli sa ilalim ng mesa nang manalasa ang Bagyong Odette at ngayon naman, sumisilong sa sawali. Isa lang ang pamilyang 'yan sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation na tuloy-tuloy po ang pag-agapay sa mga binagyo tulad sa Bohol.   Read more


Mga sinalanta ng Bagyong Odette sa General Luna at Burgos sa Siargao, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 5, 2022

Nagpapatuloy ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Siargao Island. Marami sa kanila, sinisikap pang bumangon ngayong winasak ng bagyo ang mga ari-ariang pinaghirapan nilang ipundar. Read more


4,000 indibidwal na sinalanta ng bagyo sa Pintuyan at San Francisco, Southern Leyte, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 4, 2022

Hindi pa rin nabubura ang bangungot ng Bagyong Odette para sa mga Kapuso natin sa Southern Leyte. Lalo na sa mga nakatira sa coastal municipalities na napuruhan ng bagyo. Kaya para tulungan silang makabangon, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation. Read more


GMA Kapuso Foundation, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Dec 31, 2021

Ilang linggo na ang nakakaraan matapos manalasa ng Bagyong Odette sa bansa. Pero bakas pa rin sa Argao sa Cebu at Palawan ang iniwan nitong pinsala. Marami pa rin tayong mga kababayan na nanga-ngailangan ng tulong kahit ngayong magbabagong taon. Sila ang pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng pag-asa sa pagsalubong sa 2022.   Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program para sa mga sinalanta ng bagyo sa Brgy. Bagumbayan, Dinagat Islands

Dec 30, 2021

Para-paraan na ang ilan nating kababayan sa Dinagat Islands para kahit paano'y may masilungan pa rin matapos wasakin ng bagyo ang kanilang bahay. Nandoon pa rin ang team ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng pag-asa lalo ngayong nalalapit pa naman ang bagong taon. Tuluy-tuloy rin ang paggulong ng ating feeding program sa iba pang barangay. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program para sa mga nasalanta ng bagyo sa Dinagat Islands

Dec 29, 2021

Magba-bagong taon na pero ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo sa Dinagat Islands, tila hindi pa alam kung paano ulit magsisimula. Nasira na nga ang mga bahay at kabuhayan, pahirapan pa ang mapagkukunan ng makakain. 'Yan ang agarang inaksyunan ng inyong GMA Kapuso Foundation.   Read more


Mga sinalanta ng bagyo sa Burgos City, Siargao Island, binigyan ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation sa mismong araw ng pasko

Dec 28, 2021

Kahit walang magarbong salu-salo o mga regalo, basta't ligtas at magkakasama ang pamilya. 'Yan ang labis na ipinagpapasalamat ng isang ina sa Siargao Island na isa sa mga napuruhan ng Bagyong Odette. Para gawing merry ang kanilang pasko, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods na kanilang inihanda at pinagsaluhan. Read more


GMA Kapuso Foundation nakapaghatid ng relief goods para sa 4,000 na indibidwal sa General Luna City, Siargao Island

Dec 23, 2021

Mga naglalakihang alon. 'Yan ang madalas dayuhin ng mga surfer sa isla ng Siargao. Pero sa pag hagupit ng Bagyong Odette, tila inanod ng unos ang mga bahay sa kabuhayan ng mga residente sa isla. Kaya ang GMA Kapuso Foundation agad na tinugunan ang panawagan ng mga nasalanata roon, gaya ng mga pagkain.   Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program sa Clarin, Bohol

Dec 22, 2021

Bukod sa masisilungan, pangunahing problema rin ng mga nasalanta ng Bagyong Odette ang makakain, lalo na para sa mga bata. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation,nagsagawa na rin ng feeding program para sa mga residente ng Clarin, Bohol. Read more


618 na pamilya sa Bontoc, Southern Leyte, nakatanggap ng noche buena package mula sa GMA Kapuso Foundation

Dec 21, 2021

Kung kailan pa naman magpapasko, doon pa nawalan ng bahay at hanapbuhay. 'Yan ang mabigat na iniinda ng libu-libo nating kababayan na naapektuhan ng Bagyong Odette, gaya sa Southern Leyte. Sa ating simpleng paraan, ipinadama natin ang diwa ng pasko sa ipinamahagi nating mga pang-noche buena. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakatakdang maghatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Odette

Dec 17, 2021

Sa bagsik ng Typhoon Odette, marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan. Pati ang ilang kabuhayan, pinadapa at hindi pinalagpas ng bagyo. Kaya ang aming team sa GMA Kapuso Foundation naghahanda at papunta na sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo.   Read more

advertisement


Mga mag-aaral sa Atok, Benguet maagang nakatangap ng pamasko mula sa GMA Kapuso Foundation

Dec 9, 2021
Kapusong Totoo

Ika nga sa isang kanta, magtanim ay 'di biro. Bukod sa maghapon kang nakayuko, oras at pera ang nasasayang tuwing masisira ang mga pananim. Sa kabila nito, hindi tumitigil ang ating mga magsasaka sa pagtatanim. Para masuklian ang kanilang pagod, ang mga magsasaka at ilang mag-aaral sa Atok sa Benguet ang ating napangiti sa dala nating regalo.   Read more


GMA Kapuso Foundation nagbigay ng libreng prosthetic hand and arm sa Cebu province

Dec 6, 2021
Kapusong Totoo

 Tayong mga Pilipino, sadyang mapamaraan at madiskarte sa buhay. Patunay riyan ang mga nakilala natin sa Cebu, na hindi nagpadaig sa kanilang kapansanan para makapamuhay nang normal. Sila naman ang tinulungan ng GMA Kapuso Foundation katuwang ang ating partners, sa pamamagitan ng pagbibigay ng prosthetic hand. Read more


Operation Bayanihan | GMA Kapuso Foundation

Nov 14, 2020
12345

Dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses at Super Typhoon Rolly, patuloy na nagsisikap ang GMA Kapuso Foundation sa lahat ng mga nangangailangan nating kababayan sa pamamagitan ng 'Operation Bayanihan.' Sa mga nais tumulong, bisitahin lamang ang GMANetwork.com/KapusoFoundation/Donate para sa mga detalye. Read more


Buksan ang puso sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly

Nov 3, 2020
GMA Kapuso Foundation

Matapos ang hagupit ng Typhoon Rolly, nahaharap sa panganib ang ating mga kababayan sa Bicol, Quezon, Aurora, at iba pang bahagi ng Luzon. Kaya naman kumakatok ang GMA Kapuso Foundation upang makapaghatid ng tulong at pag-asa sa ating mga kababayan na dumaraan sa bagong pagsubok.  Bisitahin ang GMANetwork.com/KausoFoundation/Donate para sa iba pang impormasyon. Read more


GMA Kapuso Foundation: Close contact

Mar 17, 2020

Ikaw ba ay may nakasalamuhang may sintomas ng COVID-19? Kung oo, ikaw ay isang close contact. Read more


GMA Kapuso Foundation: Mga hakbang kapag may hinihinalang COVID-19 sa tahanan

Mar 17, 2020

Kapag may hinihinalang kaso ng COVID-19 sa inyong tahanan, ito ang dapat niyong gawin. Read more


GMA Kapuso Foundation: Tulong para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal

Jan 15, 2020

Maaring magbigay ng cash donations sa pamamagitan ng mga account ng GMA Kapuso Foundation, mag-donate online at magbigay in kind ng relief donations. Read more


Bagong tulay, handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga taga-Misamis Oriental

Dec 16, 2019

Bagong tulay, handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga taga-Misamis Oriental Read more


Halos 4,000 binagyo, inabutan ng relief goods at tubig sa Operation Bayanihan

Dec 9, 2019

Halos 4,000 binagyo, inabutan ng relief goods at tubig sa Operation Bayanihan Read more


400 nagsilikas dahil sa Bagyong Tisoy, hinatiran na agad ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Dec 3, 2019

400 nagsilikas dahil sa Bagyong Tisoy, hinatiran na agad ng tulong ng GMA Kapuso Foundation Read more