GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


1,818 blood bags, nakolekta sa Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Proj. ng GMAKF at PRC sa Ever Commonwealth | 24 Oras

Feb 23, 2026
Gma Kapuso Foundation

 Sa loob ng tatlong dekada, nasaksihan natin ang kuwento ng inspirasyon ng ilang bayaning Kapuso na dumadalo sa ating Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever Commonwealth. At ngayong taon, patuloy pa rin ang pakikiisa ng mga blood donor para makadugtong ng buhay. Kabilang sa ating matutulungan ang mga Kapuso cancer champion.   Read more


Libu-libong pamilya sa CamNorte na apektado ng masamang panahon, hinatiran ng tulong ng GMAKF

Feb 18, 2026
GMA Kapuso Foundation

Ang inaasahang masaganang ani ng mga magsasaka sa Camarines Norte... nauwi sa panghihinayang dahil sa epekto ng masamang panahon. 'Di napakinabangan ang mga pananim kaya malaki ang lugi. Sa ilalim ng "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation, sila naman ang ating tinulungan. Read more


Mga sinalanta ng Bagyong basyang sa Surigao del Sur, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Feb 17, 2026
GMA Kapuso Foundation

Gabi ng February 5 nang mag-landfall ang Bagyong Basyang sa Surigao del Sur. Mabilis na tumaas ang baha noon na puminsala sa mga bahay at kabuhayan ng mga residente. Sila naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras

Feb 14, 2026
Gma Kapuso Foundation

Nalugmok ang ilang taga-Iligan City dahil sa Bagyong Basyang na nagpabaha at umanod pa sa ilang kabahayan. Dagdag-kalbaryo rin ang pagkasira ng tulay na tinatawiran ng mga mag-aaral. Kaya nanawagan sila ng tulong para makapag-umpisa muli.   Read more


3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation

Feb 12, 2026
GMA Kapuso Foundation

Hindi raw inasahan ng mga residente sa Iligan ang biglaang pagtaas ng baha dahil sa malakas na ulang dala ng Bagyong Basyang. Nabalot sa makapal na putik ang munisipalidad kaya’t apektado rin ang hanapbuhay ng mga taga-roon. Agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong. Read more


2,499 blood bag, nalikom sa bloodletting projects ng GMAKF at GMA Regional TV

Feb 9, 2026
GMA Kapuso Foundation

 Ngayong buwan ng mga puso muling nanaig ang pagmamalasakit ng mga blood donor na nakiisa sa Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever, Commonwealth ng GMA Kapuso Foundation at sa nationwide bloodletting day ng GMA Regional TV. Taos puso po kaming nagpapasalamat lalo't halos 2,500 blood bags ang nalikom mula sa ating mga bayaning Kapuso. Dahil sa inyo, maraming buhay pa ang ating maliligtas!   Read more


Hirap maglakad at magsalita dahil sa stroke, tinutulungan ng GMAKF sa kaniyang gamutan

Feb 9, 2026
GMA Kapuso Foundation

Doble ang pasanin ng isang anak sa San Pablo, Laguna nang hindi inaasahang ma-stroke ang kanyang ama noong nakaraang taon. Apektado ang pananalita at paglalakad ng kanyang tatay kaya tinulungan sila ng GMA Kapuso Foundation sa gamutan. Makalipas ang apat na buwan, kumusta na kaya ang mag-ama? Read more


78,491 bloodbag, nakolekta sa 30 taong bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross

Feb 4, 2026
GMA Kapuso Foundation

78,491 bloodbag, nakolekta sa 30 taong bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross   Read more


4,000 naapektuhan ng andap o frost sa Benguet, binigyan ng food packs ng GMAKF

Feb 2, 2026
GMA Kapuso Foundation

Malaking dagok para sa mga magsasaka sa Benguet ang mga masasayang na pananim dahil tinamaan ng frost o andap sa tindi ng lamig doon. Saksi ang GMA Kapuso Foundation sa sakripisyo at katatagan ng mga magsasaka anumang pagsubok ang dumating sa kanila. Kaya naman agad tayong nagtungo ng Benguet para maghatid ng tulong.   Read more


3 sa 4 na magkakapatid na may congenital cataract, pinaopera ng GMAKF; 1 pa susunod na

Jan 29, 2026
GMA Kapuso Foundation

 Dobleng kalbaryo ang kinakaharap ng isang pamilya sa Pililla, Rizal. Bukod sa may katarata ang kanilang haligi ng tahanan, nagkaroon din ng katarata ang apat niyang anak. Dahil po sa inyong tulong, matagumpay na naoperahan ang tatlo at susunod na ang isa pa. Read more


Foodpacks, gamot, vitamins at face mask, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Catanduanes

Jan 26, 2026
GMA Kapuso Foundation

Dahil 'di pa nakababangon sa Bagyong Ada, kanya-kanya nang diskarte ang mga taga-Catanduanes para maitawid ang araw-araw na gastusin. Para maalalayan sila, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more


Mahigit 6,900 binagyo sa Catanduanes, hinatiran ng food packs ng GMAKF | 24 Oras

Jan 26, 2026
GMA Kapuso Foundation

Sa pagsisimula pa lamang ng taon, agad sinubok ang katatagan ng ating mga taga-Catanduanes dahil sa mga pag-ulang nagdulot ng malawakang pagbaha. Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation upang maghatid ng tulong.   Read more


Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras

Jan 22, 2026
GMA Kapuso Foundation

Dahil sa ash fall mula sa Bulkang Mayon, apektado na ang kalusugan ng ilang residente sa Albay. 'Di na lang face masks ang kanilang kailangan kundi pati gamot sa ubo at sipon. Kaya nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation.   Read more


900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Jan 20, 2026
GMA KAPUSO FOUNDATION

Libu-libong pamilya ang apektado pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay. Ang ilan, natigil na rin ang hanapbuhay. Bilang tulong, hatid ng GMA Kapuso Foundation ang food packs at N95 face masks para sa mga residente.   Read more


141 na sanggol sa Batangas at Cavite, libreng napa-newborn screening ng GMAKF at DOH CALABARZON | 24 Oras

Jan 20, 2026
GMA KAPUSO FOUNDATION

Tanging hiling ng bawat magulang ay ang lumaking malusog at normal ang kanilang anak. Kaya’t para maagapan at maiwasan ang seryosong problema sa kalusugan ng bata, nagsagawa ng newborn screening test sa Cavite at Batangas ang GMA Kapuso Foundation at Department of Health CALABARZON. Sinamahan pa natin iyan ng mga regalo para sa mga nanay at bata.   Read more

advertisement


1,000 mag-aaral na nilindol sa Caraga, Davao Or., nakatanggap ng laruan at food packs mula sa GMAKF | 24 Oras

Jan 20, 2026
GMA KAPUSO FOUNDATION

Muling sinubok ng panibagong lindol ang ilang taga-Davao Oriental na 'di pa lubusang nakababangon sa pagyanig doon noong nakaraang taon. Mahigit 1,000 estudyante roon ang hinatiran ng tulong at regalo ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras

Jan 12, 2026
GMA KAPUSO  FOUNDATION

Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig Read more


300 mag-aral sa Gainza, CamSur na kabilang sa Feed-a-Child Proj. ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 5, 2026
GMA Kapuso Foundation

300 mag-aral sa Gainza, CamSur na kabilang sa Feed-a-Child Proj. ng GMA Kapuso Foundation Read more


Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras

Dec 27, 2025
 GMA Kapuso Foundation

Halos 3-buwan nang walang maayos na silid-aralan at tahanan ang mga residente sa Medellin, Cebu mula nang lumindol doon nitong Setyembre. Nitong pasko, doon nagdala ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project." Read more


Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Dec 24, 2025
GMA Kapuso Foundation

Ngayong kapaskuhan, isang regalong higit pa sa materyal ang handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga taga-Puray, Rodriguez, Rizal. Opisyal na kasing binuksan doon ang "Kapuso Tulay Para sa Kaunlaran" na layong magdugtong sa pangarap ng mga kabataan na makapag-aral at magbigay ng mas ligtas na daan para sa buong komunidad.   Read more


Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Dec 23, 2025
GMA Kapuso Foundation

Mabatong daan at ilog na umuupaw kung maulan ang peligrosong sinusuong ng mga residente sa isang barangay sa Rodriguez, Rizal. Para sa kanilang kaligtasan, sinimulan ng GMA Kapuso Foundation ang pagpapatayo roon ng bago, konkreto, at matibay na tulay! Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Dec 19, 2025
GMA Kapuso Foundation

Mahigit isang buwan na mula nang tumama ang Bagyong Tino pero hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang mga binagyo sa Dinagat Islands. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation tinawid natin ang isla para hatiran sila ng tulong ngayong kapaskuhan. Read more


4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Dec 17, 2025
GMA Kapuso Foundation

 8 araw bago ang pasko, lalong dama ang Christmas rush ng mga naghahabol mamili ng regalo. Good news sa inyo dahil may 4th leg ang Noel Bazaar sa Filinvest Tent sa Alabang bukas hanggang weekend. Bukod sa mga local products na pwedeng pangregalo, pwede ring ibili ng school supplies ang mga nangangailangan sa "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project" Nakapagshopping ka na, nakatulong ka pa! Read more


4 bagong Kapuso Classroom, ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Bohol ngayong taon | 24 Oras

Dec 17, 2025
GMA Kapuso Foundation

Boses ang puhunan ng isang dalaga sa Bohol para makamit ang kaniyang pangarap na maging pulis. At sa kaniyang pagbisita sa inauguration ceremony ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay, Bohol… hatid niya ay pag-asa para sa mga mag-aaral na patuloy na nagsusumikap. Read more


Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Dec 12, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Dahil sa bagsik ng Bagyong Tino, wala nang mababalikan na tahanan ang ilang kababayan natin sa Negros Provinces ngayong papalapit na pasko.  maibsan ang kanilang kalbaryo, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng food packs, tubig at iba pa nilang pangangailangan doon. Sana’y patuloy po natin silang samahan na makapagumpisa muli.   Read more